Ito ang Throwback na litrato na ibinahagi ni Paolo Contis sa dating palabas na ‘Tabing Ilog’



Naalala niyo pa ba ang sikat na palabas dati sa ABS-CBN na ‘Tabing Ilog’? Ito ang sikat na palabas na pang bagets na pinagbidahan ng mga artistang sina Paula Peralejo, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiree del Valle, Baron Geisler at Kaye Abad. Ito ay kwento ng mga magkakaibigan na Anne, Eds, Badong, James, Rovic, Fonzy, Corrine, at George. Naging sikat din ang theme song ng tele-seryeng ito na isinulat at kinanta ni Barbie Almalbis.


Ibinahagi ng isang cast ng ‘Tabing Ilog’ na si Paolo Contis ang isa sa mga larawan kasama niya ang isa sa cast din ng nasabing tele-serye na si John Lloyd Cruz.



Ang larawan ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram Account na may caption na:
“Nung March 14, nag-celebrate ako ng birthday ko, Pero 20 years ago, 1999, kasabay ng aking kaarawan pinalabas ang unang episode ng #TabingIlog, Eto ang litratong nagpapatunay na si Rovic at si Badong ang nagkatuluyan sa ending! Hindi lang pinalabas!”

Masayang alalahanin ang nakalipas lalong lalo na kung puro masaya ang alaala. Katulad na lamang ng pagbabahagi ng larawan ni Paolo Contis. Nagbiro pa nga si Paolo patungkol aa larawan, na ang tunay na ending daw ay si Rovic at Badong ang nagkatuluyan.

Ilan sa mga komento sa post ni Paolo Contis ay ito:
“Full of good memories. I was nine years old that time and a grade 3 student. Favorite TV show ko ‘yan at napaka-wholesome, puwede sa batang gaya ko. Pinapakita sa Tabing Ilog ang struggle ng isang barkada. Sinubok, tumatag, at lumalim ang samahan. The best show together with Gimik, G-mik, Berks, K2BU, at Munting Paraiso. Marami pa akong hindi na-mention. Pinakamaganda ang mga palabas noon kahit mga cartoons classic. The best ang mga show ng ABS-CBN then,” pagbabalik-tanaw ni @zitteopia.




“Galing. Watched it and loved it. Until now, I usually sing in videoke the theme song by Barbie Almabis,” pagbabahagi ni @feuna_aileen


“Kaka-miss. Batang ’90s. Hindi kumpleto ang Sunday ‘pag hindi nakapanood ng Tabing Ilog,” wika ni @kielyn_9b.




error: Content is protected !!