Mavy at Cassy Legaspi, hindi papakabog sa kanilang pre-debut photoshoot!



Walang duda na sina Zoren at Carmina ay talaga namang nakapagpalalaki ng maganda at gwapong mga anak. Ang kambal na sina Casy (Cassandra) at Mavy (Maverick) ay naging usap-usap sa una nilang pasukin mundo ng show business. Napakabilis nga naman ng panahon dahil sa 18 taon na ang nakararaan matapos ang kanilang pagsilang.


Ang pagdiriwang ng “debut” ay nakagawian na ng maraming mga Pilipino. Ang pagtungtong sa 18 taong gulang ay isang espesyal na pangyayari kung saan natutuldukan ang kanilang kabataan at mas nagiging mapagsaliksik sila para sa kanilang mga kakayanan at responsibilidad sa buhay gaya na lamang ng pagboto o kaya naman ay ang pagdedesisyon sa buhay.




Gaya ng ilan pang mga magulang ay todo suporta naman talaga ang mag-asawang Zoren at Carmina sa kanilang kambal. Talagang pinagtuunan nila ng atensyon at importansya ang ika-labingwalong kaarawan ng kanilang mga anak. Talaga namang hindi nila ito malilimutan at ito ay magiging napaka-enggrande.


Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang kambal dahil sa pasilip ng “Nice Print Photography” sa kanilang mga “kakaibang” pre-debut photoshoot. Makikita sa ilang mga kuhang larawan ng kambal ang mga mamahalin nilang kasuotan at ang tila bihasang-bihasa nilang pag-pose sa mga larawan.


Tila mayroong misteryo sa bawat larawan na nagdudugtong sa dalawang katauhan ng kambal. Hindi lamang ang kambal ang nasiyahan sa ginawa nilang photoshoot kung hindi pati na rin ang kanilang mga magulang.




Talaga namang nakakamangha ang kagandahan at pagmamahalan sa pamilyang ito. Sila ay isang inspirasyon ng bawat pamilyang Pilipino. Tunay ngang maganda ang kanilang panglabas na kaanyuan maging ang kanilang mga adbokasiya at panglabas na kalooban.





error: Content is protected !!