Timothy Chan: Dating child star noon, napakagwapong binata na ngayon!



Marahil ay marami na tayong mga nasaksihang mga batang child stars na kinagiliwan natin dahil sa husay at galing nila sa pag-arte, pagsayaw, at pag-awit. Kung ang ilan sa kanila ay naging mga sikat nang artista ngayon, ang ilan naman ay piniling magkaroon ng simple at tahimik na buhay. Mayroon din namang mga dating child star na ngayon ay napakagwapong binata at napakagandang dalaga na.



Isa na marahil dito si Timothy Chan na kinakikiligan ng maraming kababaihan ngayon dahil sa mala-“Oppa” nitong itsura. Kung dati ay “chubby”, malusog at bilog na bilog si Timothy ngayon ay kapansin-pansin na ang malaking pagkabawas ng kaniyang timbang at talaga namang kinagigiliwan ang kaniyang pisikal na transpormasyon.


Nagsimula ang kaniyang karera noong siya ay bata pa lamang sa pagsali sa mga talent contest ng SM at Ever Gotesco. Siya din ang tinanghal na grand winner ng Ever Kiddie Star at ng SM Little Star taong 2007.


Makalipas nito ay naitampok din siya sa ilang mga pelikula at programa sa telebisyon tulad na lamang ng “May Bukas Pa”, “Goin’ Bulilit”, “Obra”, “MMK: Medyas”, “Doctor’s Diary”, “Everybody Happy”, “Magic Gimik”, “Natutulog Ba Ang Diyos”, “Betty La Fea”, at “Wansapanataym”.

Naging parte din siya ng “Kasal, Kasali, Kasalo” bilang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ang kaniyang karakter sa nasabing pelikula ay “Rafael o Raffa”.



Maraming mga netizen ang hindi makapaniwalang ang dating cute at “chubby” na child star ay isa na pa lang gwapong gwapong binata ngayon na talaga namang kinakikiligan at tinitilian ng maraming mga kabataan lalo na mga kababaihan.




error: Content is protected !!