Isang babae ang nakapasa sa kaniyang Physician Board Exam habang siya ay kasalukuyang naglelabor!



Ang kaniyang “panubigan” ay pumutok ng alas-dos ng madaling araw huling araw bago ang Physician’s Licensure Examination ngunit nanatiling kalmado si Eunice Stefanelle Sibuyan at patuloy na inobserbahan ang kaniyang sarili. Walang kamalay-malay ang mga “proctor” ng exam na siya ay nasa “active labor” na ng mga panahong iyon.



At siya nga ay pumasa sa nasabing exam at isa na ngayong “licensed physician”.


Nagbahagi naman ang bagong doktor ng kaniyang larawan noong siya ay nagdadalang-tao pa lamang at ang kaniyang asawa naman ay makikitang hinahalikan ang kaniyang tiyan. Kasunod nito ay ang larawan ng kaniyang isang linggong gulang na sanggol at nagbahagi siya ng kaunti pang kwento patungkol sa kakaiba niyang karanasan sa pagkuha ng exam.



Talaga nga namang hinangaan ng marami ang ina at bagong doktor na ito. Kitang-kita din naman sa inosenteng mukha ni Baby Graeden Euri ang pagiging matagumpay niya dahil sa ligtas niyang pagkakasilang at sa pinakitang lakas ng loob ng kaniyang butihing ina.



Isang linggo bago ang nasabing exam ay nalaman na niyag kahit anong oras o araw ay maaari na siyang magsilang. Ngunit desidido talaga siyang ipagpatuloy ang kaniyang exam sa kabila ng posibilidad na manganak siya anumang oras o araw mula noon. Sa tulong ng ilan niyang kaibigang doktor ay natulungan siyang kahit papaano ay tumagal ang kaniyang labor sa pamamagitan ng ilang injection.


Matapos niyang magsagot ng exam ay dali dali siyang lumabas ng silid kung saan naghihintay ang kaniyang asawa at kahit pa nahirapan silang makahanap ng sasakyan ay nadala naman siya kaagad sa ospital ng nasabing testing site. Buti na lamang at mayroon silang ganitong uri ng pasilidad dahil agad ding lumabas ang sanggol.