Isang pasahero ang nahuli ng 2 minuto sa kaniyang biyahe at maswerteng nakaligtas sa pagbagsak ng isang eroplano!



Ilang minuto lamang matapos lumipad ng isang eroplano mula sa Ethiopian Airline ay mabilis itong bumulusok pababa. Ang nasabing eroplano ay patungo sana sa Nairobi, Kenya. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente 8:44 sa lokal na oras nila at anim na minuto matapos lumipad ng noon ay ilang buwan pa lamang na Boeing 737 Max-8.



Sa kasamaang palad, lahat ng 149 na pasahero nito kasama ng walo pang crew ng Ethiopian Airline Flight ET 302 ay hindi pinalad na makaligtas. Maliban na lamang sa isang Griyego na dapat sana ay pang-150 katao na sasakay din sa nasabing eroplano ngunit dahil sa nahuli siya ng dalawang minuto ay hindi na siya nakasama pa at mapalad na nakaligtas sa nasabing insidente.


Ayon pa sa ABS-CBN news, si Anton Mavropoulos ay nagawang makaligtas sa kapahamakan nang siya ay nahuli ng dating para sa kaniyang dapat sana ay biyahe pasakay ng eroplano. Si Mavropoulos ay Presidente ng International Solid Waste Association, isang non-profit organization na dapat sana ay patungong Nairobi upang dumalo sa isang annual assembly ng UN Environment Program.



Noong una ay masama ang loob at nagalit siya dahil sa wala man lang tumulong sa kaniyang upang makapasok sa gate at makahabol sa eroplanong dapat sana ay sasakyan niya. Ngunit mas labis siyang nagpasalamat dahil sa ito pala ang magliligtas ng kaniyang buhay. Ang ilan pang mga pasahero ng nasabing eroplano ay mga kalahok din ng nasabing pagtitipon ng UN Environment Program na dapat sana ay dadaluhan din ni Mavropoulos. Tunay ngang hindi mo rin masasabi ang buhay ng tao, maaaring ngayon ay malusog ka at masayang masaya kapiling ang iyong mga mahal sa buhay ngunit darating din talaga ang panahon na hindi mo inaasahan, ang panahon na ikaw ay mamahinga na at babalik na sa piling ng ating Diyos sa langit.




error: Content is protected !!