Ito ang bakasyon ng pamilyang Pacquiao sa Switzerland na ibinahagi ang mga litrato



Naging usap-usapan sa social media ang naging pamamasyal ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa social media dahil sa magarbong klase ng pamamasyal. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang taglay na kayamanan ni Manny Pacquiao kaya hindi rin imposible ang mga ganitong klase ng pamamasyal sa kanila.


Kilalang-kilala ng marami ang kasikatan ni Manny Pacquiao hindi lamang sa ating bansa pati na rin ng buong mundo. Hindi na rin mawawala sa isipan ng tao ang naging kwento niya sa buhay na nanggaling din siya sa hirap.




Ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ay may limang anak. Sila ay sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.



Ibinahagi ni Jinkee sa kanyang Instagram account ang kanilang pagpunta sa Switzerland noong ika-6 ng Marso. Ang una niyang post ay ang pagkain nila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 habang nagaantay.


Sinakyan ng mag-asawang Pacquiao kasama ang pamilya at mga kaibigan ang Emirates Airbus A380 na kilala sa buong mundo na bilang isa sa pinaka-malaking pampasaherong eroplano. Ito rin ay makikita sa kanyang post. Ang magarang itsura ng loob ng napaka-gandang eroplano.



Nanatili din sila sa Emirates Business Class lounge concourse A na mas kilala sa ‘A380 concourse’. Ang lounge na ito ay sinasabing isa sa pinaka-malaking lounge sa buong mundo.


Sa video naman ni Jinkee, ibinahagi naman niya ang kagandahan ng Zürich, Switzerland. “Beautiful Zurich. The city is simply fantastic” sabi ni Jinkee Pacquiao.




Sa ibang post naman ni Jinkee, makikita kung saan sila nanatiling hotel. Ilang mga larawan ang nakita na sila ay nasa Dolder Grand Hotel. Ang Dolder Grand hotel ay isang 5-star na hotel sa bansang Switzerland. Tunay na isang masayang pamamasyal ang nagawa nila. Ito ay dahil sa natatamasang kayamanan ni Manny Pacquiao mula sa kanyang pagsisikap.




error: Content is protected !!