Kilalanin si Baby Shiloh ang anak nila Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan



Kapag sinabing ‘sexbomb dancers’ ang una nating maiisip na tao ay si Rochelle Pangilinan kaagad. Hindi maitatanggi ang aking husay sa pagsayaw ng leader ng grupo na ito. Bukod pa sa pagiging magaling na mananayaw ay pinasok din ni Rochelle ang mundo ng showbiz.


Ikinasal si Rochelle Pangilinan kay Arthur Solinap noong taong 2017. Isang romantikong kasalan ang naganap na dinaluhan ng maraming sikat na artista. Sa yugtong ito sa buhay ni Rochelle, naging abala na siya sa kanyang asawa na naging dahilan na rin nang pagliban niya sa industriya ng showbiz.




Sa pagbuo ng pamilya ay kasama na rin ang pagkakaroon ng anak. Nitong Ika-24 ng Pebrero, isinilang ang anak nila Rochelle at Arthur sa Medical City. Pinangalanan nilang Shiloh Jayne ang unang anak na babae ng mag-asawa.


Dahil sa labis na kaligayahan, ibinahagi ni Rochelle Pangilinan ang mga larawan ng kanyang anak at asawa.



Ito ang sinabi niya sa kanyang post:
“Hindi madaling manganak,napakahirap! Kaya sa lahat ng Nanay saludo ako sa inyo! Lalo na sa nanay ko!”


Isang pagsubok para sa mga babae ang panganganak. Kaya naman pinarangalan ni Rochelle ang lahat ng ina dahil naranasan at naramdaman na niya ang hirap nito.



Labis din ang pasasalamat niya sa kanyang asawa na si Arthur dahil sa pag-aasikaso sa kanya.

Ito ang sinabi ni Rochelle sa labis na pagpapasalamat niya sa kanyang asawa:



“Grabe!! ngayon medyo napapadali ang pag recover ko sa tulong ng asawa ko,emotionally,physically,financially(). Sa kabila ng sunod sunod na trabaho mo Bhe , paguwi mo sa bahay sinisigurado mong may time ka sa kin at kay Shiloh,sinisigurado mong kumain na ko o di kaya ay sabay tayong kakain,sinisigurado mong nakatulog na ko o kaya ikaw muna magaalaga kay baby para lang makatulog ako,sinisigurado mong nabuhat o naamoy mo si baby,napalitan mo sya ng diaper at nakipaglaro ka na sa kanya bago o pagkatapos ng trabaho,grabe ang pasasalamat ko ngayon sa Diyos dahil ikaw ang ibinigay nya sa min,Thank you soooo much sa pagaalaga sa kin… sa amin ni baby.. I love you Bhe!!!!”




error: Content is protected !!