Kinilala ng piloto na ito ang kaniyang mga magulang sa habang sila ay nakasakay sa eroplano!



Usap-usapan sa social media ngayon ang Pinoy na pilotong nakilala bilang si Genesis Bernardo na nagbigay pagkilala sa kaniyang mga magulang noong nakaraang Linggo, Marso 10. Nagbigay ng mensahe ang pilotong ito para sa kaniyang mga magulang na sina Paul at Solly.



Ang nasabing video ay kinuhanan ng kaniyang kapatid na si Joshua Bernardo. Makikita sa video na abalang nagbabasa ang mga magulan ng piloto ng bigla na lamang nagsalita ang piloto, nagpakilala at nagbigay pugay din sa kaniyang mga magulang na kasalukuyang nakasakay sa eroplanong kaniyang pinapalipad.



Naantig naman ang maraming pasahero lalo na ang kaniyang mga magulang sa kaniyang napakagandang mensahe para sa kanila. Lubos na nagpasalamat ang piloto sa pagmamahal at pagsuporta ng kaniyang mga magulang kaniya at walang sawang pagdamay sa kaniya hanggang sa maabot niya na ang kaniyang pangarap.


Natutunan din niyang maging positibo at matiyaga dahil lahat ng mga pangarap ay mabilis mong makakamtan basta’t ikaw ay mayroong matatag na pananalig. Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit sa 76,000 na reaksyon at 36,000 na share ang nasabing video sa social media.


Talaga namang kamangha-mangha ang ginawang pagkilala na ito ng isang piloto. Tunay ngang kahit malayo na ang kaniyang narating, at natupad na niya ang kaniyang pangarap ay hindi pa rin siya nakakalimot na magbigay-pugay sa kaniyang mga magulang na naging inspirasyon niya at matatag na sandigan sa lahat ng mga karanasan niya sa buhay. Ito ay isang inspirasyon sa maraming pang mga kabataang Pilipino na huwag kalilimutang magbalik ng lahat ng kanilang tinatamasa ngayon sa kanilang mga magulang. Dahil ang kanilang mga magulang ang unang nagmahal, unang kumalinga at unang kumilala sa kanilang kakayahan.



Posted by Genesis Bernardo on Sunday, March 10, 2019




error: Content is protected !!