Ang tambalang Nida Blanca at Nestor de Villa na hinangaan ng maraming mga Pilipino noon!



Kung mayroon tayong JaDine, KathNiel, LizQuen o AlDub ngayon, mayroon namang tambalang Nida Blanca at Nestor de Villa. Isang miyembro ng social media group na Memories of Old Manila ang nagbahagi ng ilang mga larawan ng dating mga sikat na aktor at aktres na sina Nida Blanca at Nestor de Villa. Mayroon pang caption ang netizen na ito na, “1957. Ms. Nida Blanca, Nestor de Villa, Bentot, and Pugo from the movie ‘Sebya, Mahal Kita.”



Marami ang namangha habang sila ay nagbabalik-tanaw sa pamamagitan ng mga larawang ibinahagi online. Bukod kz sa husay at galing nila sa pag-arte ay labis din silang hinangaan sa kanilang pambihirang galing sa pagsasayaw at pagkanta.


Kasabay ng kagalakan at kasiyahan na nadarama ng marami nilang mga tagahanga at tagasuporta ay labis din naman silang nalungkot dahil sa pareho nang namayapa ang kanilang mga idolo. Si Dorothy Acueza Guinto Jones ay may kilala sa pangalang Nida Blanca. Isa siya sa pinakasikat na mga artista noong 1950s at talaga namang namayagpag ang kaniyang pangalan sa industriya ng show business noon.


Mayroon siyang 163 na nagawang mga pelikula at 14 na series sa loob ng higit sa 50 taon niyang pag-aartista. Ilan sa mga ito ay John en Marsha, Magdusa Ka, Bato-Bato sa Langit, at Miguelito. Si Nestor de Villa naman ay kilalang Pilipinong aktor noon na kadalasang mapapanuod sa mga musical films. Siya ay si Gines Francisco Soriano sa tunay na buhay. Tugtuging Bukid, Mother Dear, Saan Darating Ang Umaga? at Prinsipeng Gusgusin ang ilan sa mga kilalang proyekto niya noon.






error: Content is protected !!