Kahit na may sakit at nasa ospital, tinapos pa rin ng isang lalaki ang kanyang Final Demo upang makatapos ng kolehiyo



Ang edukasyon ay ang susi sa magandang kinabukasan. Kaya marami ang nagsusumikap na makapag-tapos ng pagaaral upang magkaroon ng magandang buhay. Hindi biro ang pagdadaanan upang makamit ang tinatamasang diploma. Maraming taon din ang gugugulin upang malampasan ang pagsubok ng pag-aaral.


Pero paano naman kapag dumating sa puntong sadyang napaka-hirap kunin ang pinapangarap na diploma. Basta matibay ang pangarap, walang pagsubok ang hindi kayang lampasan. Katulad na lamang ng nangyari sa isang estudyante na nagkasakit ngunit nakaya niyang lampasan ang unos na dumating sa kanyang buhay.




Si Jud Gaoilan ay isang estudyante sa Isabela State University, Cabagan Campus sa Cabagan, Isabela. Ang lalaking ito ay nagkasakit at nanatili sa ospital. Sa yugtong ito ng buhay ni Jud Gaoilan, dito niya pinatunayan na walang sakit ang makaka-pigil sa kanya upang makapag-tapos ng pag-aaral.


Kahit na may naka-kabit na linya ng dextrose sa kanyang kamay, siya ay gumawa ng kanyang visual para sa kanyang final demo na kinakailangan niya para matapos niya ang kanyang kurso. Isang estudyante ng kursong BS Education ang pinag-susumikapang matapos ni Jud Gaoilan. Gamit ang mga kamay niyang may naka-kabit na IV line, siya ay nagsulat sa isang dilaw na cartolina ng kanyang visual sa kanyang final demo. Nakaka-mangha dahil kahit na may naka-kabit na IV line sa kanyang kamay, maayos pa rin ang kinalabasan ng kanyang mga sulat.



Naging viral ang mga larawan ni jud Gaoilan at umani ng maraming papuri sa mga netizens. Ayon kay Jud Gaoilan: “Kahit naka Confine ako dito sa Hospital , gagawin ko lahat matapos ko lang to. Para sa Final Demo,”


Ang kanyang pagpupurisigi na makatapos kahit na sa pinaka-mahirap na pagkakataon ay nalampasan niya. Sa kanyang mga sumunod na post ay ibinahagi niya na maganda ang kinalabasan ng kanyang final demo. Siya ay nakapasa sa kanyang final demo.