Magkasinatahan, graduate ng cum laude sa kursong BS Architecture sa UP Mindanao



Marami sa mga magkasintahan ngayon ay puro kasiyahan ang hanap. Ang iba naman ay abalang-abala palagi sa mga pag-post ng larawan nila sa social media. Kalimitan ay ang iba ay puro pabebe lang. Kaya nga minsan ang relasyong masaya ay napupunta sa hiwalayan.


Ang ibang mga relasyon ay abalang-abala din sa pagpuna ng kamalian ng kasintahan nila. Minsan pa nga ang simpleng mga away ay pinalalala at pinapalaki ang away. Minsan din ang labis na pagseselos ang nagiging dahilan ng pagaaway. Imbis na mag-intindihan at magmahalan nauuwi sa hiwalayan.




Kaya naman para sa mga magkasintahan diyan, tularan niyo na lang ang dalawang ito! Sila ang magkasintahang graduate ng cum laude sa kursong BS Architecture sa UP Mindanao. Sa hashtag na ‘relationshipgoals’ pinatunayan nila John Khenbert L. Yu at Kimberly P. Dospueblos na ang pakikipag relasyon ay dapat ginagamit para sa magiging kinabukasan.


Ang naturang post ay ibinahagi ni Khenbert sa kanyang twitter account. Ito ang sinabi niya sa kanyang post:



“5-year course, 4 years in a relationship, 3 years of struggle (masaya pa 1st at 2nd yr ng arki), 2 laudes, 1 dream”



Ang magkasintahan ay biglang sumikat dahil sa post na ito. Ang kanilang tagumpay ay dahil na rin sa pagtutulungan nilang dalawa, kanilang pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan. Sa panayam nila sa ‘When in Manila’, ibinahagi nila ang mga dahilan kung bakit ito ang kursong pinili nila. Akala ni Khenbert ay pagguhit lang ng bahay ang kursong ito, at siya daw ay nagkamali sa pananaw na ito. Para naman kay Kimberly, mahilig kasi siya sa Arts at Math at ang kursong ito ang bumagay sa mga hilig niya. Magkaiba man sila ng mga dahilan, ang importante ay nakatulong ang relasyon nila sa kanilang pagaaral.


Ang dalawang ito ay maging aral sana sa maraming kabataan na hindi lamang pagmamahal ang nangingi-babaw, dapat mas bigyang halaga ang magiging kinabukasan.




error: Content is protected !!