Pinas ikatlo sa pinakamasayahing bansa sa buong Southeast Asia at ika-69 sa buong mundo, ayon sa United Nations!



Ang Pilipinas ay talaga namang hindi maipagkakailang isang napakamasayahing lugar. Anumang paghihirap o pagsubok ang ating kinahaharap sa araw-araw ay wala pa ring makakahigit sa kakayahan ng mga Pilipino na nguniti at tumawa sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na ito.


Napatotohanan pa ito lalo nang ang ating bansang Pilipinas ay tinanghal bilang pangatlo sa pinakamasayahing bansa sa buong Timog Silangang Asya. Samantalang nasa ika-69 na pwesto naman ito sa 156 na bansa sa buong mundo ayon na rin sa pag-aaral ng United Nation’s World Happiness Index 2019. Mas mataas ang ating pwesto kumpara sa mga kalapit nating bansa tulad ng
Malaysia (80th), Indonesia (92nd), Vietnam (94th), Laos (105th), Cambodia (109th) at Myanmar (131st).




Ang bansang Singapore at Thailand naman ang nanguna sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Sila ay nasa ika-34 at ika-52 na pwesto.


Finland naman ang nanguna sa lahat at tinaguriang “happiest country” sa buong mundo. Ito ang ikalawang pagkakataon nila na mabigyan ng nasabing pagkakakilanlan sumunod ang Denmark at Norway na nasa ikalawa at ikatlong pwesto. Ang mga bansang South Sudan, Central African Republic at Afghanistan. Ika-20 ng Marso nang mailabas ang resultang ito ng UN’s World Happiness Index Report na idineklara din namang “International Day of Happiness”.





Ang nasabing pag-aaral ay mayroong anim na bagay na siniyasat. Ito ay ang pinagkakakitaan, kalayaan, tiwala, health life expectancy, social support at pagiging mapagbigay. 156 na mga bansa ang pinagbatayan ng nasabing pag-aaral at tiningnan kung gaano kasaya ang mga taong naninirahan sa bansang iyon.




Talaga namang iba ang dugong Pilipino! Anumang hamon, paghihirap at pagsubok sa buhay hindi pa rin mawawala ang ngiti sa ating mga labi.





error: Content is protected !!