Inihinto ng isang kompanya ng bus ang kanilang “honesty system” makalipas ang isang linggo dahil sa ilang mga pasaherong hindi naging tapat sa pagbabayad!

Isang kompanya ng bus ang inihinto na ang kanilang “honesty system” isang linggo lamang matapos nila itong ipatupad dahil sa mga pasaherong hindi naging tapat. Ang “honesty system” ng Green Frog Hybrid Bus Company ay tumagal lamang ng isang linggo dahil sa hindi pala ito madaling gawin. Napagalaman nila na 30 porsiyento ng mga pasahero ay hindi nagbabayad ng kanilang mga pamasahe kung kaya naman ibinalik na lamang nila sa tradisyonal na “conductor system” ang pagbabayad ng pamasahe.

Sa social media page ng nasabing kompanya ng bus ay ibinahagi nila ang pagkadismaya nila sa kanilang nalaman na karamihan sa kanilang mga pasahero ay hindi naging tapat at hindi nagbabayad ng kanilang pamasahe sa tuwing sasakay sila ng nasabing bus. Marami din namang mga netizen ang nadismaya sa kinahinatnat ng dapat sana ay susukat sa pagiging matapat ng marami sa atin. Maraming mga dayuhan at ibang mga nasyonalidad ang mataas ang tingin sa maraming mga Pilipino kung kaya naman nakakalungkot na hindi natin makayang maging matapat sa sarili nating bansa.


Sa katunayan ay napilitan na ring magsara ang isang “honesty store” ng Manila Police District dahil sa nakalipas na anim na buwan mula ng maitayo ito ay tila hindi na nakabangon ang nasabing tindahan at imbes na kumita ay nalugi lamang ito.


Marahil ay dapat lamang na siyasatin natin ang ating mga puso at isipan. Marapat ba para sa ating mga sariling pagkatao, sa ating mga sariling pagkakakilanlan bilang mga Pilipino na makilala sa pagiging hindi matapat lalo na sa pagbabayad ng mga bagay na batid naman nating lahat na karapat-dapat naman talagang bayaran. Sabi nga ng nakararami, pera lamang yan! Dapat ay ipakita natin sa maraming mga tao lalo na sa mga kabataang Pilipino na mas pinahahalagahan natin ang ating mga dignidad at respeto sa sarili kaysa sa anumang halaga ng salapi.

Honesty system, itinigil na ng bus company

WATCH: Itinigil na ng isang bus company ang kanilang honesty system dahil natuklasan na maraming pasahero ang hindi nagbabayad ng pasahe.Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International para sa iba pang mga balita.

Posted by 24 Oras on Thursday, March 21, 2019



Reply

error: Content is protected !!