Isang dalaga ang binigyan ng brand new na sasakyan dahil sa niyaya niya ang isang binata na mayroong “Down Syndrome” na maging prom date nito!



Karamihan sa mga kabataang dadalo sa “prom” ay nagkakaroon ng problema kung sino nga ba ang kanilang nagiging “prom date”. Ngunit ang isang 17-taong gulang na lalaki mula sa Arizona ay palagian na lang tinatanggihan ng mga inaalok niya ng “prom date” dahil sa hindi pangkaraniwan niyang kalagayan. Siya ay nakilala bilang si Daniel Rivas, mayroon siyang “Down Syndrome” kung kaya naman wala kahit isa sa kaniyang mga niyayang maging “prom date” ang pumapayag sa kaniyang alok.



Ang ilan ay mayroon na diumanong mga “prom date” samantalang ang iba naman ay mayroon nang mga naunang magtanong sa kanila bago si Daniel o kaya naman ay ayaw lang talaga nilang maka-date ang binata. Ngunit kahit ano pa man ang kanilang dahilan ay nasasaktan din ang damdamin ni Daniel.


Pagsubok din ito para sa ina niyang si Tonya Rivas na talaga namang nawawasak ang puso sa dinaranas ng kaniyang anak. Dahil sa hindi naman niya maaaring pilitin ang mga babae na pumayag sa mga bagay na hindi nila gusto kahit pa nga ito ang makapagpapasaya sa kaniyang anak.


Ngunit ikinabigla ng ina ang ginawang ito ng isang dalaga na nagngangalang Kylie Fronius na nasa ikasampung baitang na. Sinorpresa niya si Daniel ng alukin niya ito na maging ka-date niya sa prom. Labis na kinagalak ito ni Tonya at ibinahagi sa social media ang nakakaantig ng puso na pangyayari.



Nakarating ito sa kaalaman ng “Fox5 Surprise Squad” kung kaya naman ginantimpalaan nila si Kylie. Hindi inaasahan ni Kylie at Daniel na ito pala ang magiging pinaka-espesyal na prom ng kanilang buhay. Dahil sa araw mismo ng kanilang prom ay sinundo sila ng isang Rolls Royce na nagdala sa kanila sa isang mamahaling restawran, Bistro 57. Matapos nito ay “red carpet” ang kanilang dinaanan patungo sa kanilang prom.


Ngunit ang mas nakakagulat pa dito ay ang regalo sa kanilang buong pamilya na “all expense paid” na biyahe patungong Disneyland. At dahil sa pangarap ni Daniel na maging isang chef ay binigyan din siya ng $10,000 na scholarship mula sa United Nissan sa Las Vegas. At higit sa lahat, bagong bagong kotse naman para kay Kylie! Nakakamangha hindi ba?




error: Content is protected !!