Isang grade 1 na estudyante ang tinanggal sa “list of awardees” sa kanilang paaralan dahil sa 3 libong piso na balanse nito sa kaniyang matrikula!



Isang grade 1 na estudyante ang pinagsulat ng isang promissory note kung saan siya nag-aaral dahil sa 3 libo na utang nila sa paaralan. Ikinagalit ito ng kaniyang ina at umani ng maraming batikos at komento sa social media. Ngunit ang mas masakit pala dito ay ang pagkakatanggal ng kaniyang anak sa list of awardees dahil lamang sa hindi nabayarang 3 libong piso.


Ayon sa netizen na si Clen Limpin, nangyari ito sa anak ng kaniyang kaibigan na nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa Novaliches. Dahil sa may balanseng 3 libong piso ang bata ay pinagawa ito ng promissory note ng kanilang principal noong ika-21 ng Marso.



Nakasaad sa sulat kamay ng bata na magbabayad din sila ng kaniyang pagkakautang sa matrikula kinabukasan. Mayroong pirma ng guro sa isang gilid at pangalan naman ng kaniyang magulang sa kabila. Labis itong ikinagalit ng ina ng bata dahil sa murang edad ng kaniyang anak ay sa kaniya pa ito ginawa at hindi na lamang direktang kinausap ang mga magulang ng bata.



Nanlumo ang ina dahil sa kahihiyan na naidulot nito sa kaniyang musmos pa lamang na anak. Ngunit mas ikinabigla pa ng ina ang pagtatanggal sa kaniyang anak na isa sa mga dapat sana ay paparangalan sa Araw ng Pagkilala sa kanilang paaralan.


Inalis ang kaniyang anak sa listahan nang dahil lamang sa 3 libong piso na kanilang pagkakautang. Hindi man lang naisip ng paaralan ang magiging epekto nito para sa kawawang bata na isang linggo pa lamang bago ang nasabing Araw ng Pagkilala ay nasabihan na ang lahat ng mayroong parangal ngunit ilang araw bago ang nasabing araw ay basta basta na lang hindi sinama ang pangalan ng bata sa listahan.


Pagtitiyak naman ng magulang na babayaran nila ang kanilang utang na 3 libong piso sa paaralan at matapos nito ay ang pagpoproseso ng legal na aksyon para sa principal ng paaralan dahil sa hindi nito kaaya-ayang mga desisyon at sa pagpapatupad ng “No Permit, No Exam Policy” na matagal nang ipinagbawal sa pang-pribado man o pang-publikong mga paaralan.






error: Content is protected !!