“World’s First Surviving Septuplets” na ipinanganak noon, 21-taong gulang na ngayon!



Ang “septuplets” na talaga namang gumulat sa buong mundo ay handa nang harapin ang bagong yugto ng kanilang buhay. Bagamat kakaunti lamang ang mga pagkakataong nagiging matagumpay ang mga ganitong uri ng panganganak ay talaga namang naging pagpapala at himala ang kanilang kwento.



Ang ina ng pitong supling ay nakilala bilang si Bobbi McCaughey mula sa Carlisle, Lowa na nanganak noong 1997. Si Bobbi at ang kaniyang mister na si Kenny Sr. ay biniyayaan ng una nilang anak noong Enero 3, 1996 at pinangalanan nila itong Mikayla.


Matapos nito ay sinabihan sila ng doktor na mahihirapan silang magkaanak muli kung kaya naman humingi sila ng tulong at gabay sa ilang eksperto na kalaunan ay niresetahan sila ng gamot na “Pergonal” upang makatulong sa muling pagbubuntis ni Bobbi.


Ngunit tila nasobrahan yata ang tulong ng gamot na nireseta sa kaniya dahil sa muli niyang pagpapatingin sa doktor ay napag-alaman nilang pito ang mga bata sa kaniyang sinapupunan. Bagamat nabigla ang mag-asawa ay ikinagalak nila ang mga karagdagan sa kanilang lumalaking pamilya.



Nasa 29-taong gulang si Bobbi nang isilang niya ang kaniyang pitong anak. Sumailalim siya sa caesarean section noong November 19, 1997 ng higit sa 40 na mga espesyalista. Ang kaniyang mga anak ay apat na mga lalaki at tatlong mga babae.

Bagamat maraming pagsubok sa kanilang pamilya ay marami pa ding nagparating ng tulong sa kanilang pamilya. At ngayon nga ay nagdiriwang na sila ng kanilang ika-21 taong kaarawan na ikinatuwa at ikinamangha ng marami pang mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo.






error: Content is protected !!