Ang Kambal na anak ni Lumen sa Surf Commercial, magaganda at dalaga na ngayon.



Minsan ka na rin bang na-hook sa mga commercial sa telebisyon? Hindi mo rin ba namamalayan noon na ikaw ay sumasabay sa awitin o kaya naman ay sa mga linya ng nasabing commercial? O kaya naman ay nabighani at namangha ka na rin ba sa mga gumanap noon sa mga commercial na ito?



Siguro naalala mo pa rin si Lumen o ang wais na misis ng mga Pinoy! Tunay nga na siya ay tatak ng isang Pilipinang ina. Gayundin naman ang asawa niyang si Lando at lalo’t higit ang kanilang kambal na anak na sina Maria at Ana. Ngunit nasaan na kaya sila ngayon? Ang mga batang minsan ay kinagiliwan at hinangaan natin?



Hindi mo aakalaing magagandang dalaga na pala ngayon sina Maria at Anna na sa totoong buhay ay sina Charlotte Andrea at Charice Andrea Hermoso. Sadyang napakabilis ng panahon! Aakalain mo bang sila pala ang gumanap na batang Sunshine Dizon at Iza Calzado (Lara at Sara) sa programang “Impostora” ng Kapuso primetime drama taong 2007?


Kasalukuyan silang nag-aaral sa University of Perpetual Help System DALTA sa Las Piñas. Si Charlotte ang mas simple manamit sa kanilang dalawa ngunit simple man siya manamit ay mapapansin pa rin ang kanyang ganda kahit pa sa mga “car selfies” ng dalaga tunay na mala-anghel ang kanyang mukha. Samantalang si Charice naman ay mapaglaro sa kanyang mga pananamit na tila ba nagpapahiwatig na maaari siyang maging isang modelo sa hinaharap.

Kapansin-pansin ang hilig ng kambal sa camera kung saan makikita sa kanilang mga personal na social media accounts ang kanilang mga larawan. Nakakatuwang malaman na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sila sa industriya.




Sino nga bang mag-aakala na ang dating mga makukulit na bulilit sa isang commercial ay mga magagandang dilag na ngayon na patuloy pa ring makikita at aabangan sa telebisyon sa mga susunod pang panahon.




error: Content is protected !!