Isang WWII na beteranong Pinoy ang binigyan ng karangalan ng San Antonio Spurs



Para sa mga mahihilig sa basketball, isa sa mga sinusubaybayan natin ang NBA. Kanya-kanya tayo ng mga hinahangaang manlalaro at mga kupunan. At nagiging isang malaking pangarap din ng maraming mahilig mag-basketball ang mapabilang sa ligang ito.


Kamakailan lamang ay may isang 103 na taong gulang ang pinarangalan sa AT&T Center sa San Antonio, Texas. Ito ay naganap noong ika-21 ng Marso nang pinarangalan ang isang beteranong Pinoy na nagngangalang Liban Brillantes sa kanilang Military Appreciation Night. Napabilang si Liban Brillantes sa US Army’s 121st Infantry division noong siya ay 19 na taon gulang pa lamang. Nagsilbing isang mensahero siya ng US at Pilipinas.




Taong 1941 nang ginampanan niya ang isang delikadong misyon sa gera ng US at Japan, kung saan naging magsasaka siya sa Japan upang magsilbing “secret intelligence”. Kinaibigan ni Brillantes ang mga sundalong hapon upang magtiwala sa kanya ang mga ito. Malaki ang naging tulong ni Brillantes sa US dahil naililigaw niya ang mga sundalong Hapon na nagiging dahilan ng kalamangan ng mga US na sundalo.


Si Brillantes ay naninirahan ngayon sa San Antonio, Texas at isa na ring US Citizen. Isa siyang taga-hanga ng San Antonio Spurs kaya naman isang karangalan sa kanya ang ibingay ng okasyong ito.


Suot ang barong tagalog, tinanggap ni Liban Brillantes ang Jersey ng San Antonio Spurs na nakalagay ang kanyang apilyido at may numerong 103 na edad niya. Ang pangyayaring ito ay natunghayan ng maraming netizen sa Official Twitter account ng San Antonio Spurs. Ibinahagi dito ang parangal sa beteranong sundalo at isang taga-hanga ng kupunang San Antonio Spurs na si Liban Brillantes.


Kumalat din ang naturang video sa Facebook at inulan din ito ng maraming pagbati sa social media. Ang kanyang apo na si Joy Ross ay nagbigay pasasalamat sa lahat ng bumati sa kanyang lolo at ito ang sinabi niya: “Thank you everyone for your kind words! I’m his granddaughter I’m reading them to him now!”


Ang karangalan na natanggap ni Liban Brillantes ay isang karangalang maituturing din sa ating mga Pinoy.




error: Content is protected !!