Modelo ng International Sportswear na si Janine Tugonon, ang Miss Universe 2012 runner-up



Si Janine Marie Raymundo Tugonon ay ang naging Miss Universe 2012 1st runner-up. Isang patunay na ang bansang Pilipinas ang namamayagpag sa paligsahan ng pagandahan. Ang manalo sa patimpalak na ganito ay karangalan hindi lamang para sa sarili pati narin sa ating bansa. Kaya naman bawat tagumpay ng ating kababayan ay tagumpay na ng bawat Pilipino.


Pagkatapos niyang manalo at gampanan ang pagiging runner-up sa Miss Universe 2012, siya ay nagpunta sa bansang Amerika upang ipagpatuloy ang kanyang kagustuhang mag-aral at maghanap ng pwede niyang pasukan sa pagmo-modelo. Pero hindi naging madali para sa kanya ang paghahanap ng kapalaran. Dumaan din siya sa maraming pagtanggi. At talagang maraming subok ang ginawa niya upang makamit pinapangarap. Dahil sa kanyang pagpupursigi, nagkaroon siya ng inaasam niyang pagkakataon.




Isang karangalan din na nakilala siya bilang unang Pinay na maging isang modelo ng sikat na international na brand ang Victoria’s Secret. Sa tinatawag na NU muses Calendar siya ay naging modelo din sa mga litrato ng isang Photographer na si David Bellemere. Ito ay ginamit para sa mga endorsement ng Walmart at Wells Fargo.


Pero kamakailan lamang ay muli nanamang nagbigay ng kasikatan para sa ating bansa ang dalagang ito. Siya ay naging modelo nang isang sportswear na sinusuot ng isang sikat na Tennis Player na si Venus Williams. Ang EleVen ang sportswear na sinusuot ng sikat na tennis player na si Venus Williams. Makikita sa Instagram post ni Janine Tugonon na siya ay kabilang sa pag-model ng mga sports attire na ito.



Sa kanyang post sa Instagram, ito ang ibinahagi ni Janinie Tugonon:
“Got to sh00t with a LEGEND Venus Williams!! Such a memorable sh00t for me, went home that day very inspired and empowered!”

Kasama nito ang paglabas din ng mga iba pang minodelo ng magandang binibini sa EleVen, ito ang Caracas collection na nailabas noong Pebrero. Bukod pa sa pagmomodelo abala din ang magandang binibini sa kanyang mga serbisyo publiko katulad ng anti-human trafficking. Ang pag-asenso sa career sa pagmomodelo ni Janine ay ikinatuwa ng kanyang mga fans. Isang karangalan din sa bansa na makita ang pagiging modelo niya ay nakikita na sa maraming parte ng mundo.





error: Content is protected !!