Silipin ang transpormasyon ng Pinay na ito na miyembro ng K-Pop Group!



Naaalala niyo pa ba si Carlyn Ocampo? Siya ay isa nang miyembro ng K-pop group ngayon, at talaga namang ibang-iba na ang kaniyang hitsura kumpara sa dati. Siya ay napanuod pa sa kahuli niyang pelikula na isang suspense-thriller movie na Ḉry No Fear na ipinalabas noong Hunyo 2018 sa mga sinehan.


Ang 23-taong gulang na mang-aawit at aktres ay talaga namang nagkaroon ng malaking pagbabago sa kaniyang pisikal na anyo simula nang magsimula ang kanilang training bilang Z-Girls, ang bagong K-pop group na nasa ilalim ng Zenith Entertainment na isang sikat na entertainment company sa South Korea. Hindi mo na mababanaag ang pagka-Pinay ni Carlyn dahil sa kaniyang mukha na talaga namang mukhang Koreana na. Mula sa kaniyang buhok at kaniyang mga mata hindi mo aakalaing may dugo siyang Pilipino.




Si Carlyn ang tanging Pinay na miyembro ng Z-Girls na nakatakdang bumisita sa Pilipinas ngayong ika-27 ng Marso hanggang Abril 2, 2019 upang ipakilala ang kanilang grupo at i-promote ang kanilang single na may pamagat na “What Are You Waiting For?”


Ang ilan pa sa kaniyang mga kasama sa nasabing K-group ay Japanese, Taiwanese, Indonesian, Thai , Indian, at Vietnamese. Sadyang marami na ding natutunan si Carlyn mula nang siya ay manirahan sa South Korea na hinuhulaang magiging next Asian pop sensation. Isa na namang Pilipino ang gagawa ng ingay sa buong mundo at muli na naman nating maipagmamalaki na tayo ay mga Pilipino. Si Carlyn ang leader, main vocalist at center ng Z-Girls na opisyal na ipakikilala sa Pebrero 2019 sa isang concert sa Seoul, ito ang Z-Pop Dream Live Show na ginanap sa 11,000-seater Jamsil Indoor Stadium at napanood sa KBS World Channel.



Tiyak na marami na namang mga Pilipino ang hahanga at mapapamahal sa girl group na ito lalo na at isa sa mga miyembro Z-Girls ay isang Pilipina.




error: Content is protected !!