Silipin natin ang pinakamalaki at pinakamatandang T-rex sa buong mundo na nahukay sa Canada!



Nito lamang Marso 22, Biyernes nang ibalita ng mga paleontologist sa University of Alberta na nahukay nila ang ang pinakamalaki at pinakamatandang T-rex sa buong mundo sa probinsya ng Saskatchewan sa Canada.


Ang nasabing mga labi ng T-rex ay pinangalanan nilang “Scotty” dahil sa scotch ang pinagsaluhan nilang inumin nang gabi ng pagkakadiskubre sa mga buto nito.



“The field crew wanted to raise a glass to toast the T-rex and the only spirits that were on hand that seemed appropriate was a very old bottle of scotch,” ito ang paliwanag ng isang post doctoral researcher sa Department of Biological Sciences ng University of Alberta na si Scott Persons.


Ayon sa pag-aaral ng mga paleontologist, ang skeleton ni Scotty ay 13 metro ang haba, at mayroong 8,800 kilogramo na timbang noong prehistoric era na 66 milyong taon na ang nakakalipas. Alam niyo bang mas mabigat siya ng 400 kilogramo sa mga kasabayan niyang dinosaurs na kumakain ng karne?





“This is the rex of rexes. There is considerable size variability among Tyrannosaurus. Some individuals were lankier than others and some were more robust. Scotty exemplifies the robust,” dagdag pa ni Persons.



Noon pang 1991 nahukay ang mga buto na ito ngunit inabot pa ng dalawang dekada upang tuluyan nang matanggal ng mga eksperto ang sandstone sa mga buto nito. Inihalintulad pa ni Persons ang pagtatanggal ng mga sandston na ito sa pagtatanggal ng semento sa mga buto ng nasabing T-rex.



Ayon pa sa kuwento ni Persons si Scotty ay nabuhay ng 30 taon, na isang standard na pamumuhay sa mga katulad niyang dinosaurs. “Scotty is the oldest T-rex known, having lived into its 30s. By Tyrannosaurus standards, it had an unusually long life.”



Sa darating na Mayo ay iniulat ng CTV News na ilalagak ang mga labi ni Scotty sa Royal Saskatchewan Museum.






error: Content is protected !!