Tangkilikin ang buko juice kaysa mga softdrinks upang matulungan natin ang mga coconut farmers!



Isang panawagan ang pinahahatid ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa Eastern Visayas na sana ay i-promote ng ilang mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang magkaroon ng karagdagang kita ang mga cocomut farmer.


Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, labis na naapektuhan ang mga coconut farmers dahil sa pagbagsak ng presyo ng copra. Batay naman sa pagtataya ng PCA Regional Manager na si Jeffrey delos Reyes, kung kahit kalahati man lamang ng apat na milyong bilang ng populasyon ng Eastern Visayas ang iinom ng buko juice araw-araw ay madaragdagan ng kita ang mga coconut farmers sa rehiyon ng nasa dalawangpung milyong piso kada araw.




Sampung piso lamang mabibili ang piraso ng buko sa mga magsasaka at naibebenta naman ito ng mga vendors ng 20 piso hangang 25 piso bawat isa. “Our call to government officials is to serve coconut water in all our activities instead of soda drinks to support our local coconut industry. Let us be ambassadors of the coconut sector,” ito ang sinabi ni PCA Regional Manager sa ginanap na Summer Buko Fest sa PCA regional office na ginanap noong March 20.

“If one-half of our population will drink buko everyday, it will be a big help to our farmers. With the help of LGUs, let’s make buko available even in subdi­visions,” dagdag pa ng PCA Regional Manager.



Tunay ngang walang iba pang tutulong sa mga kapwa natin Pilipino kundi tayo rin. Nawa kahit papaano ay mabigyang pansin ng iba pang mga Pilipino ang kinahaharap na problemang ito ng mga coconut farmers.




error: Content is protected !!