9 na nurse ang nagdadalang-tao sa isang ospital sa Amerika

Ang mga nars ang katuwang ng mga doktor sa kanilang mga gawain sa ospital. Ang mga nars din ang nagpapatuloy sa mga habilin ng mga doktor sa pagpapa-galing. Ilan pa sa mga gawain ng mga nars ang pagtulong sa pagpanganak ng mga buntis.

Pero paano kapag ang mga nars sa isang ospital ay sabay-sabay nagbuntis. Sino ang tutulong sa mga doktor?

Isang kaganapan ang sumusikat ngayon sa social media ng i-post ng Maine Medical Center, isang ospital sa Portland, ang pagdadalang tao ng kanilang 9 na nars sa ward. Naka-takdang manganak ang mga nars na ito sa mga buwan mula Abril hanggang Hulyo.

Ang mga nars na ito ay sila:
Erin Grenier, Rachel Stellmach,Brittney Vervill, Lonnie Souci, Amanda Spear, Samantha Giglio, Nicole Barnes at Holly Selby.

Makikita sa larawan ng 9 na nars na may hawak silang mga papel kung saan ay nakalagay kung kailan sila manganganak.

Ito naman ang sinabi ng isang nars na buntis sa panayam niya sa ABC News affliate WMTW
“After each one of us started to say, ‘We’re pregnant,’ I think it was a happier announcement each time, and we’re all there for each other,”

Ito naman ang sinabi ni nars Amanda Spear:
“It’s really nice coming to work and seeing other people who are just as pregnant and watching their bellies pop and just talking about these experiences that we are going through together,”

Ito ang sinabi ng Maine Medical Center sa kanilang post:
“How’s this for a baby boom? Nine of our nurses (8 of whom are in this photo) are expecting babies between April and July! Congratulations!”

Sinabi din ng ospital na kung sakaling may mga pasyenteng dumating sa mga panahong ito ay handa naman ang nasabing ospital.

Bibihira lang ang mangyari ang ganito kaya naman talagang sumikat ang 9 na nars na ito na sabay-sabay nagbutis. Nakaka-tuwa lang ay sila din mismo ang magtutulungan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. At ito rin ang magiging kwentuhan nila sa kanilang mga karanasan sa panganganak.



error: Content is protected !!