Ang lalaking ito ay nagagawang kamangha-mangha ang mga lumang gulong na patapon na at kadalasan ay nagiging kalat na lamang!



Lahat ng mga bagay na nakapaligid sa atin ay kapaki-pakinabang. Ang kailangan lamang ay malikhaing isip at talaga namang makakagawa ka na ng bagay na hindi mo inaasahan. Ang maraming mga basura o kalat sa ibang tao ay maaaring kapakinabangan sa iba. Tulad na lamang ng isang African na ito na talaga namang usap-usapan ngayon sa social media. Lubos na hinahangaan siya ngayon dahil sa kamangha-manghang talento nito na gawing kapaki-pakinabang ang mg gulong na dapat sana ay patapon na.


Aakalain mong siya ay isang trabahador sa vulcanizing o machine shop ngunit siya pala ay tunay na isang pambihirang talento. Ang gamit niya sa kaniyang obra maestra ay mga sira at lumang gulong na hindi madalas gamitin ng karamihan sa atin.




Mula sa tila walang hugis na mga gulong ay ang natatanging husay at galing ni Nkwocha Ernest sa kaniyang paglikha ng mga pambihirang bagay. Ilan sa mga likhang natapos na niya ay mga hayop tulad na lamang ng unggoy, bull, buwaya, kuneho at kahit ano pang nais mo, pangalan mo at tiyak na makakaya niyang gawin.


Ang nasabing mga larawan at mga post ay agad na pumukaw ng atensyon ng maraming mga tao. Marami ang nagtaka, nagulat at namangha sa kabilib-bilib niyang talento at kakayahan na gumawa ng mga kakaiba, kamangha-mangha at kapakipakinabang na mga likha. Tunay ngang hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng kamangha-manghang talento katulad ng kay Ernest.



Ang kaniyang talento ay isang inspirasyon para sa maraming mga tao na mas maging malikhain at huwag basta basta magtapong ng mga bagay na maaari pang magamit o kaya naman ay iresiklo. Lalo na ngayon na palala na ng palala ang kalat at polusyon sa ating mundo.


Sino ang mag-aakala na ang luma, sira at patapon na na mga gulong ay magagawa pang kapaki-pakinabang na bagay na maaari pang magamit muli.




error: Content is protected !!