Ang painting ng lalaking ito ay sobrang makatotohanan dahil napaka-detalyado ng kanyang gawa



Upang maging isang mahusay na pintor o artist, kinakailangan ng dedikasyon, inspirasyon, malawak na imahinasyon, at talento sa paglikha ng kanilang mga obra. Kaya naman hinahangaan natin ang ilang mga artist na kilala natin dahil hindi biro ginagawa nilang mga sining.


Sa paggawa ng mga paintings, kinakailangan din ng pagiging matiyaga at maraming pasensya. Hindi dapat minamadali ang paglikha upang maganda ang maging kalabasan ng ginagawa.




Katulad na lamang ng isang artist na nakikilala dahil sa angking husay niya sa mga gawa niya. Sa unang tingin ay aakalain mong kuha ito ng camera. Pero hindi, ito ay pinta ng isang mahusay na lalaki na talagang parang makatotohanan ang mga gawa niya.


Ang artist na ito ay isang Chinese na si Leng Jun. Ang magaling na lalaking ito ay isang contemporary artist na nakilala sa mga paintings at drawings niyang sobrang makatotohanan. Naninirahan ngayon sa Beijing, siya ay ipinanganak noong 1963 sa Sichuan. Nakapagtapos siya ng pagaaral noong 1984 sa Hankou Branch ng Wuhan Normal College.


Kung pagmamasdan mabuti ang gawa niya, makikita ang mga pores pati na rin ang mga red marks ng mukha. Kahit na gumamit pa siguro ng ‘magnifying glass’, mapapansin na talagang detalyado ang kanyang mga gawa. Pagmasdan din ang damit na suot, pati mga sinulid ay makikita sa kanyang obra. Mapapansin din ang mata na parang totoong-totoo at para bang buhay na tao. Mapapansin din ang mga guhit sa leeg na makikitang makatotohanan ang pagkaka-gawa. Mahusay din ang pagkaka-pinta niya sa buhok na para ding makatotohanan.




Kung tutuusin ay parang mas malinaw pa sa camera ang pagkaka-gawa niya sa obra niyang ito. Kaya naman marami din siyang mga nakuhang award sa kanyang bansa. Madalas din na nabebenta kaagad ang kanyang mga obra sa mga auctions at napupunta na sa iba’t ibang parte ng mundo.





error: Content is protected !!