Ang Sampung Sikat at Pang-mayaman na Iskwelahan sa Pilipinas

Ang Edukasyon ay mahalaga para sa ating buhay. Kaakibat din kasi nito ang magiging kinabukasan. Kaya maraming mga magulang ang naghahangad ng magandang iskwelahan para sa kanilang mga anak. Ang pagkakataon na magaral sa mga mamahaling iskwelahan ay isang pribilehiyo. Dahil hindi lahat ay kayang makapagaral sa mga Iskwelahang ito.

Ito ang ilan sa mga Sikat na Iskwelahan na pang-mayaman:

10. De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ)

Itinayo ang Iskwelahang ito noong 1978 na matatagpuan sa isang exclusive village sa Alabang. Hindi bababa ang tuition fee ng 150,000 Php simula noong 2015 pa. Mayroong pre-school, elementary, highschool, at college ang lugar na ito. At mayroon ring offer na mga TESDA Courses pra sa mga gustong mag Automotive, Cooking, Computer Services.

9. Colegio San Agustin (CSA) Makati


Ang Colegio San Agustin (CSA) Makati ay isang Co-Ed na iskwelahan. Pinamamahalaan ito ng mga paring taga-sunod ni San Agustin o Order of Saint Augustine (OSA). Ang nagiging focus ng iskwelahan ay ang pagpapahusay sa may mga talento sa sports at arts. Ang Tuition ay umaabot sa 160,000 kada taon na hindi pa kasama ang iba pang mga miscellaneous na bayaran.

8. Ateneo de Manila University (ADMU)


Ang Ateneo de Manila University (ADMU) naman ay isang sikat na iskwelahang pinamamahalaan ng mga paring Heswita. Noong taong 1952 ay inilipat ito sa Katipunan Avenue, Loyola Heights, QC. Tumatayang 165,000 Php ang kinakailangan para sa isang taon kung gusto mong mag-aral dito. Hindi pa kasama ang iba pang bayarin.

7. Xavier School (XS)

Ang Xavier School ay pinapatakbo rin ng mga paring Heswita. Ang iskwelahang ito ay para sa mga lalaki lamang. Noong 1960 ay inilipat ang Iskwelahang ito sa Greenhills. Kinakailangan ng 170,000 Php sa isang taon kung nanaising magaral sa iskwelahang ito simula pa noong 2014.

6. La Salle Green Hills

Itinatag ang iskwelahang ito noong taong 1959. Ang La Salle Green Hills ay matatagpuan sa Ortigas Ave sa Mandaluyong. Ang tuition sa isang taon ng mga High school nito ay mayroong 170,000 Php na hindi pa kasama ang ibang miscellaneous na bayarin.

5. Reedley International School

Ang Reedley International School ay matatapuan sa Pasig City. Nagkakahalagang 190,000 Php ang halaga ng tuition kada taon na hindi pa rin kasama ang mga ibang miscellaneous fees.

4. Southville International School and Colleges (SISC)

Ang Southville International School and Colleges (SISC) ay itinayo noong 1990 na isa sa mga sikat na international school sa Maynila. Ang gradeschool na tuition ay nagkakahalaga ng 200,000 Php. Ibig sabihin ay mas mataas ang halaga ng High School.

3. The British School Manila (BSM)

Itinatag noong 1976, ang iskwelahang ito ay isang international private school sa Pilipinas. Matatagpuan ang iskwelahang ito sa Bonifacio Global City Sa Taguig. Ang tuition ng isang grade 10-11 ay nagkakahalagang 400,700 Php kada taon.

2. International School Manila (ISM)

Matatagpuan din ang Iskwelagang ito sa Bonifacio Global City Taguig. Ang iskwelahan na ito ay isang pribadong iskwelahan para sa lalaki at babae mula preschool hanggang grade 12. Ang tuiton fee ay naglalaro sa halagang 450,600 kada taon.

1. Brent International School

Ang international School na ito ay isa ring boarding school na kasama ang Episcopal Church ng Pilipinas. Isa itong sikat na sikat na iskwelahan sa bansa. Umaabot ng hanggang 500,632 Php ang tuition kada taon ng isang Grade 9-12.

Source:PixelatedPlanet



error: Content is protected !!