Ang Seaman na ito ay himalang nakaligtas sa apat na oras na palutang-lutang sa dagat na napapalibutan ng mga pating



Sa kagustuhang kumita ng maayos, maraming pinoy din ang nagugustuhang maging isang Seaman. Pero lingid sa pagkaka-alam ng ibang tao, ang pagiging Seaman ay isang delikadong trabaho. Hindi masasabi sa mga pagkakataong lalayag sa dagat ang mga maaaring trahedya na pwedeng maganap. Katulad na lamang ng kwentong ito patungkol sa isang seaman na isang himala ang pagkaligtas niya sa nangyari sa kanya.


Sa isang Facebook page na “Seaman Problems”, isang nagngangalang Loreto Miles Moscoso III ay isang seaman at nangyari sa kanya ang kaganapang muntik ng ikamatay. Si Loreto Miles Moscoso III ay isang graduate ng BS Marine Transportation sa JBLCF Bacolod. Ang Seaman na ito ang humarap sa mala-himalang trahedya.




Hindi lubos akalain ng lalaking ito na makaka-ligtas pa siya sa nangyari. Habang papalapit sa pantalan, siya ay naatasan na i-unlash ang mga cargo containers upang maging mas madali na ang pagbaba sa pantalan. Nautusan ulit siya na tumulong sa iba upang mapadali ang pagbaba ng mga cargo. Sa pagpilit niya sa pagtanggal ng running buckle sa cargo siya ay napatapak patalikod kaso wala na pala siyang maaapakan na ito na din ang naging sanhi ng pagkahulog niya sa dagat.


Masama ang pagkahulog niya sa dagat dahil bago bumagsak sa dagat ang kanang-likod ng bahagi ng katawan niya ay tumama sa matigas na bagay na naging sanhi ng fracture niya sa spinal cord.



Sa pagkahulog niya sa dagat, matagal pa siya bago naka-langoy pataas dahil sa naging tama niya sa likod. Pag-angat niya sa dagat hindi kaagad siya lumangoy dahil baka madali siya ng propeller ng barko. Sumigaw siya ng “Man overboard!” ng maraming beses ngunit dahil na rin sa ingay sa taas ng reefer container ay di na rin siya narinig. Muntik na siyang mawalan ng pag-asa dahil sa sitwasyong sinapit niya.


Kaso nang siya ay susuko na, isang liwanag ang nakita niya, kaya siya ay nanalangin sa Panginoon upang siya ay iligtas. Patuloy siyang nagpalutang ng isang oras ng nakita niyang may pating na umiikot sa kanya na doble ang laki sa kanya. Hindi niya ito pinansin at patuloy lamang sa paglangoy. Nang siya ay napagod, siya ay nagpalutang ulit at laking tuwa niya ng may dumating na helicopter na may tinuturo na coast guard boat. Nang siya ay naligtas siya ay umiyak dahil sa nangyari sa kanya. Nabilib ang coast guard dahil apat na milya ang nalangoy niya mula sa pinaghulugan niya. At nabilib pa dahil ala man lang life-jacket o kahit anong pampalutang.



Nabatid niya ang pagkakamali niya dahil hindi niya dala ang kanyang radyo. Kung dala niya sana iyon ay maliligtas siya kaagad. Kaya ating tatandaan kailangan ay palaging maging ma-ingat at “safety first” at mas importante ang may pananalig kay Lord. Ito ang mga bagay na sinabi ni Moscoso sa kanyang mala-milagrong pagkaligtas.




error: Content is protected !!