Grade 7 na mga batang estudyante ang nakaimbento ng washing machine na hindi na kailangan pa ng kuryente!



Kadalasan, maraming mga tao ang nagnanais na makatuklas o di kaya naman ay makadiskubre ng mga bagay na hindi lamang makapagbabago ng kanilang buhay ngunit pati na rin buhay ng marami pang mga tao sa kanilang paligid. Ngunit hindi rin naman lahat ng nag-aasam nito ay nagkakaroon ng pagkakataon at nakakapagkamit nito.



At nang dahil nga naman sa tuloy-tuloy na pagtitiyaga at dedikasyon ay walang bagay na kayang gawin o maisakatuparan. At ito nga ang ilan sa mga katangiang tinataglay ng mga kabataang ito mula sa India.


Ayon sa mga ulat, si Darshan Kolhe na isang grade 7 na mag-aaral sa Govt. LBS Middle School sa Pandhurna sa India ang nakadiskubre ng isang washing machine na hindi na nangangailangan pa ng kuryente. Talaga namang isa siyang matalino at masinop na bata upang makagawa at makalikha ng sarili niyang washing machine.



Maaaring marami ang nagtataka kung paano siya nakalikha nito, ngunit tiyak na ikabibigla ninyong malaman na hindi siya bumili ng anumang mamahaling materyales kung hindi puro recycled na mga bagay lamang ang kaniyang nagamit. Ang kaniyang sariling likha na washing machine ay gawa sa isang malaking plastic na cylinder at ilang parte ng bisikleta. Ang nasabing cylinder ay nakadugtong sa kadena ng bisikleta at pedal nito.


Ang tanging dapat lamang gawin ay magbisikleta upang gumana ang nasabing washing machine. Ang plastik na cylinder ang magsisilbing gulong nito na magpapaikot-ikot upang malinis ang mga damit. Mechanical force ang gamit nito na mainam din para sa muscle nang ating katawan.

Ipinakita din ng estudyante kung paano papaganahin ang nasabing washing machine, matapos niyang maglagay dito ng maraming tshirt ay ginamit at pinaandar niya ito tulad ng isang bisikleta. Matapos lamang ang ilang sandali ay naging malinis at maputi na nga ang damit. Tunay ngang napakalaking bagay at kapaki-pakinabang ng imbensyon na ito ng isang grade 7 na estudyante.




error: Content is protected !!