Isa na pa lang magaling na mangaawit si Chacha Canete



Ang dating bulilit na kinaaliwan dati sa commercial ng Camella Homes ay isang magandang dalaga na ngayon. Si Trisha Luise Canete na mas kilalang Chacha Canete ay isang 13 na taong gulang na ngayon. Sumikat ang nakaka-aliw na bata noong taong 2009 ng marami ang naaliw sa kanyang cute na itsura sa commercial na may kantang “Bulilit Bulilit Sanay Sa Masikip”.



Apat na taong gulang si Chacha noong nadiskubre siya sa isang coffee shop ni Erik Matti. Ito ang naging daan upang sumikat siya bilang commercial model. Ang kasikatan niya sa commercial sa Camella homes ay nasundan ng pagiging miyembro niya ng sikat na palabas na ‘Goin Bulilit’. Dito nahasa ang talento ni Chacha sa pag-acting at pag-host.


Marami pang napabilangan na mga palabas si Chacha ilan dito ay Five and a Half, Biyaheng Bulilit, Goin’ Bulilit Presents Dance Upon A time at Just 4 kids. Bukod pa sa mga palabas na ito, napabilang din siya sa mga ilang pelikula katulad ng Wapakman, A journey Home, In my Life, at Sa Ngalan ng Ama, Ina, at mga Anak.


Ngayon, ang dating kinagiliwang bata ay nagiging ganap ng dalaga. Bukod sa galing niya sa pag-arte, isa din siyang magaling na mangaawit. Ang kagalingan niya sa pag-awit ay napatunayan niya nang siya ay sumali sa ilang mga contest sa ibang bansa. Katulad ng EUROPOP sa Berlin kung saan ay nanalo siya bilang 2nd placer. Sumali din siya sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood kung saan ay dalawang silver medal ang napanalunan niya.

Dahil sa mga pagkapanalo niya sa mga international contest, siya ay naimbitahang kumanta sa sikat na Wish 107.5 upang kantahin ang redisyon niya sa kantang ‘Fight Song’ sa orihinal na kanta ni Rachel Platten’s.



Sa kanyang video sa Wish 107.5 ay mapapatunayan na may angking talento sa pag-awit si Chacha. Ang dating bulilit ay isang magaling na mang-aawit!




error: Content is protected !!