Isang babaeng cosplayer ang nagpakita ng kanyang husay sa paggaya ng mga sikat na karakter



Ang cosplay ay ang pinagdugtong na salita na “costume” at “play”. Ito ang pagpapakita ng husay sa paggaya ng mga personalidad, sikat na karakter sa pelikula, o anime. Ang pagiging cosplayer ay nakaka-hiligan na ng maraming tao. Lalong-lalo na sa paggaya ng mga paboritong karakter. Kinakailangan din ng husay sa pagmake-up at galing sa paggawa ng makatotohanang mga costume. Hindi biro ang kahiligan na ito dahil magastos ang mga materyales na kinakailangan. Siyempre mas makatotohanan ang cosplay, kailangan ay gastusan ng maayos.


Gayon pa man, marami pa rin ang nakaka-hiligan ang cosplay kahit na kinakailangan ng pera. Tunay naman kasing nakaka-mangha kapag nakita mo na gayang-gaya ng isang cosplayer ang nilarawan niyang karakter.




Katulad na lamang ng magandang babaeng ito na halos lahat ata ng sikat na karakter ay kayang-kaya niyang gayahin. Ang babaeng ito ay si Alyson Tabbitha, makikita sa mga larawan niya na parang siya mismo ang mga karakter na makikita natin sa mga hollywood na pelikula.


Sa Facebook name na Thaiana Zimermam, ibinahagi dito ang mga larawan ng mga nakaka-manghang pag-cosplay ng mga sikat na karakter. Sa mga larawang ibinahagi ni Thaiana, makikita ang husay sa pag-cosplay ng babaeng si Alyson. Mula ulo hanggang sa mga damit ay talagang kahalintulad ng ginagaya.



Katulad na lamang ng paggaya niya sa karakter na Jack Sparrow ng Pirates of the Carribean. Kahit na lalaki ang karakter na ito, nagawa pa rin niyang gayahin ang itsura nito. Pati ung ‘facial expression’ ay kuhang-kuha. Pati ang sikat na karakter sa cartoon movie na Frozen na si Elsa, nakadagdag ang kagandahan ni Alyson upang maging kasing kamukha ni Elsa.


Ilan pa sa mga ginaya ni Alyson na karakter ay sina Newt Scamander, Lara Croft at marami pang iba. Mas nakaka-bilib din ang paggaya niya sa sikat na super hero na si Wonder Woman. Sa kanyang pag-cosplay ay parang siya mismo si Gal Gatot.





error: Content is protected !!