Isang Container ship na naglalaman ng 2,000 na mga sasakyan kabilang ang 37 na Porches ang nasunog at lumubog!



Kapag pinag-usapan ang marine transport, hindi mo masasabi kung kailan darating ang aksidente dahil sa di mo talaga alam ang magiging alon at lagay ng karagatan. Kaya naman palaging nakabantay ang maraming manglalakbay sa mga aksidenteng ito. Ngunit kahit anong pag-iingat ay talaga namang hindi maiiwasan ang kapahamakan at aksidente tulad na lamang ng nangyaring ito malapit sa karagatan ng Brazil.


Isang 28,000 ton na merchant ship ang nasunog habang mayroong kargang 2,000 na sasakyan patungong Brazil. Buti na lamang at ligtas ang 27 crew on-board ng nasabing Container ship matapos nilang makasakay sa lifeboat. Samantalang ang 2,000 sasakyan naman ay lumubog na sa karagatan ng Atlantic Ocean. Agad namang tumulong ang mga awtoridad upang malinis ang tumapon na langis sa karagatan dahil sa 2,200 ton na heavy fuel na tumapon sa karagatan. Isa na ang Porsche sa mga sasakyang nasunog at lumubog sa ilalim ng dagat. Gayundin ang apat na 911 GT2 RS, na nagkakahalaga ng nasa $293,200USD. Maging ang Audi ay nanghinayang sa dami ng mga sasakyang nasayang tulad na lamang ng Audi A3, A5, RS4, RS5, at Q7 models.




Ito naman ang paumanhing sulat ng Porsche para sa mga customer nilang naghihintay ng mga order nilang sasakyan.

“We are sorry to inform you that, due to a fire, a Grimaldi group ship, that was transporting your vehicle, sank on March 12, 2019. And for that reason, your GT2 RS cannot be delivered. As you may know, Porsche ended the 911 GT2 RS production on February 2019 and under normal circumstances, it wouldn’t be possible to give you another car. But, due to the nature of the situation, and considering that you’re a loyal and highly valuable customer for our brand, Porsche has decided to resume the GT2 RS production in Germany, and your vehicle will be produced in April, with delivery scheduled for June.”







error: Content is protected !!