Isang security guard ang matapang na sinita ang ilang dayuhang bumastos sa isang Pilipina!



Kalimitang nakakakita tayo ng mga security guard sa mga kilalang mall, kompanya o mga estaisyemento. Sila ang tumutulong na mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng isang lugar o establisyemento. Talaga namang sila ang inaasahang rumesponde sa mga empleyado at mga customer kung mayroong mga hindi inaasahang pangyayari ang isang establisyemento. Kung kaya naman labis na hinangaan ang isang sekyu na ito mula sa isang sikat na fast food chain sa Bacolod City.



Isang netizen na nakilala bilang si Christjohn Villaluz ang nagbahagi ng ilang larawan at video ng nasabing insidente kung saan matapang na ipinagtanggol ng isang sekyu ang isang Pilipinang binabastos ng mga dayuhan. Sinasabi ring ang mga dayuhang ito ang dahilan ng isa sa mga insidente g nangyari noong Agosto 2013. Ang isa sa mga dayuhan ay nakilala bilang si “Greg Liffe” ang sumakal at naghubad pa sa harapan ng isang taxi driver dahil sa wala itong pambayad ng kaniyang pamasahe na naganap sa Davao City.


Marami ding mga netizen ang nagpahayag ng kanilang mga komento patungkol sa nasabing mga dayuhan na tila naghahariharian sa ating bansa. Narito ang ilang komento ng mga netizen:

“Dapat sa mga iyan, ipa–deport! Ang lalakas ng loob na dito pa sa sariling bansa natin m4mbully ng mga Pilipino! Magsilayas kayo sa aming bansa!”


“The DFA or the authorities shall take a legal action on this. Hindi pwedeng tayo ang inaapak-apakan at inaagrabyado sa sarili nating bansa. Kudos kay Kuya Guard na ginawa ang kanyang tungkulin despite malalaki ang mga kabangga niya.”



“We don’t deserve to be treated like this by the Whites. Tama na ang colonial mentality. Sa Kuyang Sekyu, tama ang ginawa mo. Nakakapagtaka, wala man lang tumulong sa kanyang ibang crew para umawat. Mukhang natakot yata sa laki ng dalawang foreigners.”

Posted by Christjohn Villaluz on Wednesday, March 20, 2019

Sa ngayon ay wala pang anumang komento ang sekyu, mga dayuhan at maging ang nasabing sikat na fast food chain sa nasabing insidente.






error: Content is protected !!