Kahanga-hanga ang baboy na pintor na si Pigcasso dahil sa libo-libong dolyar na kaniyang kinikita sa kaniyang mga painting!



Ang online community ay talaga namang nagulantang nang malaman ang balita tungkol sa kamangha-manghang baboy na pintor na ito na nakakalikha ng mga pinta na aakalain mong tao lamang ang may kakayahang makagawa. Binigyan ng pangalan ang baboy na ito mula sa South Africa, Pig-casso ang kaniyang pangalan na kayang-kayang gumawa ng mga obra-maestra gamit lamang ang kaniyang bibig.



Ayon sa ilang kwento, 2016 nang mailigtas si Pigcasso sa isang slaughterhouse noong siya ay biik pa lamang. Matapos nito ay dinala siya sa isang Franschhoek sa South Africa Western Cape Region. Dito natuklasan ng kaniyang mga tagapag-alaga ang kaniyang hilig sa mga kulay at paggamit ng paint brush.


Si Joanne Lefson ang namamahala ng Farm Sanctuary SA ang nagkwento na ang pagpipinta ang ginagawa ni Pigcasso upang libangin ang kaniyang sarili mula nang siya ay dalhin sa nasabing sanktuwaryo. Ayon pa sa kaniya,, “Pigs are very smart animals and so when I brought Pigcasso here to the barn I thought how do I keep her entertained? We threw in some footballs, rugby balls and of course there were some paintbrushes lying around because the barn was newly built. She basically ate or de$troyed everything except these paintbrushes. She loved them so much.”


Kalaunan ay natutunan na rin niyang isawsaw ang mga paint brush sa iba’t-ibang kulay ng pintura at nagsimula na siyang lumikha ng maraming mga likhang sining sa sarili niyang canvass.



Ang mga pininta na ito ni Pigcasso ay maibebenta ng nasa $4,000 na napupunta sa mga proyekto para sa mga hayop ng nasabing sanktuwaryo. Kamakailan din lamang ipinabatid ng Swiss watchmaker na Swatch ang kanilang kolaborasyon sa kamangha-mangha at talentadong baboy na ito.

Talaga namang hindi lang tayong mga tao ang may natatagong talento. Maaaring naghihintay lamang ito ng tamang panahon upang atin itong madiskubre, malinang at maipagmalaki.




error: Content is protected !!