Kilalanin natin ang gumanap na bida sa pelikulang “Dora and the Lost City of Gold”



Maraming mga bata ang kinaaliwan ang palabas na Dora the explorer. Ito ay isang educational na palabas na pinagbibidahan ng isang batang babae na may suot lagi na backpack na kasama ang kaibigang unggoy na si boots.



Marami ang naaliw sa palabas na ito dahil sa mga adventure ni Dora sa kagubatan. Nakaka-aliw din ang mga kantang napapakinggan sa palabas na ito at ang mga nanunuod ay talagang napapasabay. Ang palabas na Dora the explorer ay isang inter-active na palabas para sa mga bata. Kaya laging nagtatanong si Dora at humihingi ng tulong sa mga nanunuod.


Ang nakakatuwa ay ang kinagigiliwang palabas ay mayroon ng pelikula. Ang dating batang si Dora ay isa ng ganap ng dalaga na. Inilabas na ng Paramount pictures ang trailer ng pelikulang “Dora and the Lost City of Gold” kung saan ay dalaga na si Dora at papasok na ng Highschool.


Ang pelikulang ito ay mapapanuod na sa August 2019. Mapapanuod ang trailer nito sa youtube at may caption ang trailer na:
“Get ready to unleash your wild side. Watch the official trailer for ‘Dora and the Lost City of Gold’; starring Isabela Moner, Eugenio Derbez, Michael Peña, Eva Longoria, and Danny Trejo,”



Si Isabela Moner ang gaganap bilang Dora sa live action nito. Siya ay pinanganak noong July 10, 2001. Kung mapapansin niyo, naging isa sa mga bida si Isabela Moner sa pelikulang Transformers “The Last Knight”. Bukod sa kagalingan niya sa pagiging artista, isa rin siyang magaling mang-aawit.

Sa palabas na ‘Dora and the Lost City of Gold’, ang karakter ni Dora ay hindi na bata. Iniwan na niya ang kagubatan at isa na siyang highschool na estudyante. Sa palabas ay patuloy pa rin ang kanyang adventure, umiikot ang istorya kung saan ay ililigtas niya ang kanyang mga magulang na kasama ang kapatid na si Diego at alagang unggoy na si Boots. At para din matuklasan ang misterio ng Lost City of Gold.

Abangan din natin ang paglabas ng kontrabidang si Swiper na isang kulay orange na fox. Panuorin ang trailer para mas malaman ang inaabangang palabas na ito.




error: Content is protected !!