Nakilala niya ang kaniyang forever sa Oplan Sita. Nakakamanghang love story ng isang pulis at isang motorista!



Bata pa lamang tayo ay namulat na tayo sa kaisipan o paniniwalang masarap umibig, masarap gumising araw-araw nang alam mong mayroong isang taong nagmamahal at nagmamalasakit sayo, sa iyong pamilya, sa iyong kinabukasan, at sa iyong mga pangarap. Lalo na kung ang iyong nakatagpong pag-ibig ay talaga namang dadalhin ka sa harap ng dambana at pakakasalan.



Hindi biro at hindi madali ang pumasok sa buhay may-asawa at ang maging isang kabiyak at ina sa iyong sariling pamilya. Ngunit lahat ay magiging madali basta’t katuwang at kaakibat mo sa bawat pagsubok ng buhay ang iyong minamahal.




Kaya naman kamakailan lamang ay marami ang naantig at kinilig sa maikling kwento ng babae na ito sa social media na nakilala sa pangalang Clarisse Lazaro Jao Saddaramil. Ayon sa kaniyang maikling pagbabahagi ng kanilang buhay pag-ibig ay nagkakilala sila ng kaniyang mister sa isang “Oplan Sita”.




Hindi niya inaasahang hahanapin ng pulis ang kaniyang pangalan sa social media at i-aadd siya nito. Mayroon pa silang larawan ng pagkakasita sa kaniya dahil sa kailangan nilang i-comply ang lahat ng kanilang ginagawa sa nakatataas. Pag-amin pa niya, nainis siya nang siya ay sinita at dahil na rin sa kadahilanang siya ang kauna-unahang nasita sa nasabing “check point”. Pagbibiro pa nga niya, hindi niya man lamang natandaan ang apelyido nito. Pero nang pinost niya ang nasabing kuwento sa social media ay kakakasal lamang nila!





Marami ding mga netizen ang natuwa sa nasabing post kung kaya naman hindi rin sila magkamayaw sa mga nakakatuwa nilang komento. Ayon sa isang netizen, hindi na kailangan pang matakot sa mga checkpoint dahil hindi mo mamamalayan kung nag-aabang na ba sa iyo ang iyong tadhana. Mayroon pang nagkomento na maaaring noon si misis ang sinisita ng pulis niyang mister ngunit ngayon ay si mister na ang sisitahin ni mister lalo na kapag ginagabi siya ng uwi.




error: Content is protected !!