Ang buhay ni Kristine Hermosa sa piling ng asawang si Oyo Boy Sotto



Isa sa mga magaganda at hinahangaan na artista ay si Kristine Hermosa. Maraming pinoy ang humanga sa kanyang galing sa pag-arte at sa mala-dyosa niyang kagandahan. Ngunit matapos niyang pakasalan si Oyo Boy Sotto ay iniwan na niya ang showbiz upang tutukan ang kanyang pamilya.


Si Anna Kirsten Esmeralde Hermosa Orille o mas kilala natin sa pangalan na Kristine Hermosa ay nakilala natin sa mga ilang Kapamilya na teleserye. Ilan sa mga teleseryeng pinagbidahan niya ay ang Pangako Sa ‘Yo, Dahil May Isang Ikaw, Sana’ y Wala Ng Wakas. Sa mga palabas na ito ay ipinakita niyang isa siya sa mga magagaling at magagandang aktres ng bansa.




Taong 2004 ay ikinasal si Kristine Hermosa kay Diether Ocampo. Ngunit sila din ay naghiwalay at nag-file ng annulment at napayagan ng korte noong Pebrero ng 2009.


Pagkatapos ng dalawang taon ng annulment niya, siya ay nagpakasal kay Oyo Boy Sotto. Ito ang naging dahilan upang iwanan niya ang showbiz at tutukan ang kanyang pamilya. Dito ay ginampanan niya ang pagiging isang ina sa kanyang apat na anak. Ang mga pangalan ng kanyang mga anak ay sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, at ang bunso na si Valentin. Maayos ang pagpapalaki niya sa kanyang mga anak at tinuturuan niyang maging responsable sa pamamagitan ng pagtulong ng mga bata sa mga gawaing bahay. Isa rin mapagmahal na asawa si Kristine Hermosa kay Oyo Boy Sotto.



Mapapansin ang pagkahilig nila sa pag-bibiskleta. Kaya naman ito ang naging business nila sa West Gate ng Alabang. Ang pangalan ng bike shop nila ay Kona Bikes + K’s Cafe. Kahit na wala na sa showbiz si Kristine Hermosa, nanatili pa ring aktibo sa pagbabahagi ng mga larawan ang nasabing aktres na makikita sa kanyang Instagram account. Mapapansin din na alagang-alaga pa rin niya ang kanyang katawan kahit na apat na ang anak niya. Walang kupas pa rin ang kanyang kagandahan sa mga litratong makikita sa kanyang mga post.




error: Content is protected !!