Ito ang buhay ni Danilo Barrios sa pagalis niya sa showbiz



Kilala niyo pa ba ang mga miyembro ng Streetboys na hinangaan nang maraming tao noong 90’s? Sumikat ang grupo na ito noong 1993 at karaniwan sa mga miyembro dito ay naging mga artista, singer, at TV Host. Ilan sa mga makikita pa nating aktibo sa showbiz ngayon ay sila Vhong Navarro at si Jhong Hilario. Pero mayroon din dating miyembro ng grupo na ito na hinangaan ng maraming kababaihan dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Ito ay si Danilo Barrios.


Ngayon ay namumuhay na sa labas ng showbiz si Danilo Barrios at isang mapagmahal na ama at nagaasikaso ng kanilang business.Masasabing matagumpay na rin ang pamumuhay ni Danilo Barrios dahil maayos ang pagpapatakbo ng kanilang negosyo.




Taong 2013 ng kinasal si Danilo Barrios kay Regina Soqueño na isang negosyante na nagmamay-ari ng “Tatiomax Flawless Beauty and Skin Pharmaceutical”. Ito na din ang naging dahilan at si Danilo na rin ang nangasiwa ng kanilang business at naging Presidente ng kanilang business.


Isang matagumpay na business ang “Tatiomax Flawless Beauty and Skin Pharmaceutical” sa katunayan ilan sa mga endorser ng mga produkto nito ay sina Diana Menezes at Maria Sofia Love.



Bukod sa pagaasikaso ni Danilo Barrios sa kanilang business, nagagampanan niya ang pagiging mabuting ama sa kanilang dalawang anak na sina Hugo at Ysa. Makikita ang mga ilang larawan kung gaano kalapit ang mga bata sa kanilang ama.


At siyempre, bilang isang asawa, nanatiling mapagmahal si Danilo at palaging nagbibigay ng oras para sa kanyang asawa. Kinakailangan din nilang ipakita na maayos ang kanilang pangangatawan upang maipakitang epektibo ang kanilang mga produkto. Kaya naman nakagawian nilang magwork-out bilang bonding time na rin nilang dalawa.



Kahit na may mga magagandang oportunidad pa rin sa Showbiz, mas pinili ni Danilo Barrios na tutukan ang pamilya at makapag-bigay ng maraming oras at pagmamahal sa kanila.




error: Content is protected !!