Ito na ang buhay ni Diether Ocampo ng umalis siya sa showbiz



Si Diether Pascual Ocampo o mas kilala natin sa pangalan na Diether Ocampo ay ipinanganak noong July 19, 1973. Ang napaka-gwapong lalaking ito ay mayroong edad na 45 at mapapansing napapanatili niya ang kanyang magandang pangangatawan.



Pero nasaan na kaya siya ngayon? Ano na kaya ang ginagawa niya pagtapos niyang iwanan ang mundo ng showbiz?




Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz ng siya ay napabilang sa mga artista ng Star Magic na pinamumunuan ng direktor na si Johnny Manahan. Siya ay nagsimula bilang Kapamilya noong 90’s. Bukod sa pagiging aktor, siya din ay isang modelo at singer.




Ang kanyang kasikatan sa showbiz ay nagdulot sa kanya ng magandang buhay. Gayon pa man, siya ay tumutulong sa kanyang kapwa. Ilan sa mga tulong niya sa taong bayan ay ang foundation niya na pangalan ay K.I.D.S. (Kabataan Inyong Dapat Suportahan) na nagawa noong taong 2006.





Ang tanyag na aktor na ito ay may napaka-raming mga napabilangan na teleserye. Ilan sa mga sikat na pinabilangan niya ay ito: Apoy Sa Dagat, GÜns, And Roses, Sabel, Rubi, Only You, Iisa Pa Lamang, Lobo, Princess Sarah, Margarita, Rounin, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Bora: Sons Of The Beach, ‘Til deÆth Do Us Part, Marina, Sana’y Wala Nang Wakas, Buttercup, Recuerdo De Amor, Mula Sa Puso, Sa ‘Yo Lamang,Nasaan Ka Man, Bcuz Of You, Jologs, Soltera, La Vida Rosa, Magandang Hatinggabi, Dahil Mahal Na Mahal Kita.

Nakaraang 2016, siya ay napabilang sa isang teleserye sa TV5. Ito ang “Bakit Manipis Ang Ulap”. Sa teleseryeng ito ay kasama niya sina Cesar Montano at Claudine Barreto. Napabalitang siya ay mayroong anak na lalaki na ang pangalan ay Dream. Hindi kilala ang nanay ng bata na maaaring isang non-showbiz na karelasyon.



Abala ngayon si Diether Ocampo sa kanyang charity foundation. Ilan sa mga pinagkaka-ablahan niya ngayon ay ang pagiging Videographer, Equestrian, Golf Player, at Shooting. May mga napapa-balitang isa na ngayon siyang cameraman sa Estados Unidos. Marahil ito ang mga dahilan kung bakit hindi na siya nakikita sa telebisyon ngayon.





error: Content is protected !!