Nakakamanghang paraan ng Singapore sa pagpepreserba ng mga puno sa kanilang bansa ating alamin!



Aminin man natin o hindi talaga namang pasira na ng pasira ang ating inang kalikasan. Nakakapangamba na nga talaga ang pabago-bagong lagay ng panahon at klima sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang hindi natin alam ay tayo din mismo ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang ating kapaligiran.


Ngunit hindi rin natin dapat kalimutan na ang solusyon sa mga problemang ito ay nasa atin ding mga kamay. Nasa atin ding mga kamay ang mga magiging paraan ng bawat isa sa upang kahit papaano ay mabawasan ang tuluyang pagkasira ng ating kapaligiran o kaya naman ay mapabagal pa ang tila nalalapit nitong pagkasira.




Sa bansang Singapore, ang kanilang pamahalaan ang pangunahing institusyon namamahala sa pagpapahalaga at pangangalaga ng mga natitira sa kanilang kalikasan. Isang netizen na nakilala sa pangalang Alex Leow ang nagbahagi ng video na kung saan ay mayroong on-going construction sa isang bahahi ng kalsada sa Singapore. Panandaliang natigil ang paggawa ng mga trabahador dahil sa mayroong nakaharang na puno sa daan. Kung kaya naman imbes na putulin nila ito upang mas maging madali at mabilis ang kanilang trabaho ay hinukay nila ito ng buo hanggang sa mga ugat nito upang mailipat nila at maitanim sa malapit na lokasyon.

Bagamat naging mahirap at mabusisi ang nasabing pamamaraan ay labis itong nakapagpamangha sa maraming mga tao at muli ay nakapagpalaganap ng tiwala sa pagpapahalaga ng mga tao sa inang kalikasan.



Ang nasabing video ay nakapagpatunay lamang na mayroon pang mga tao na nagpapahalaga sa iilang mga bahagi na natitira sa ating inang kalikasan. Hindi sana natin malimutan na dapat din nating pahalagahan ang ating kapaligiran, ang ating kalikasan, dahil walang ibang magpapahalaga at mag-iingat dito kung hindi tayo ring mga Pilipino na naging dahilan at kahit papano naging parte ng unti-unti nitong pagkasira. Sana ito rin ang maging simula upang mas maging mapagpahalaga tayong mga Pilipino sa ating kapaligiran.


This is how trees can move about in Singapore!

Posted by Alex Leow on Tuesday, October 4, 2016




error: Content is protected !!