Umani ng papuri ang isang pampublikong paaralan sa Cavite dahil sa automated entrance security nito!



Naging malaking problema na ng maraming mga magulang, mga guro at mga paaralan ang pagkacutting class ng maraming mga kabataan ngayon. Tunay ngang ang mga paaralan ang ikalawang tahanan ng maraming mga kabataan at ang kanilang mga guro ang ikalawa nilang mga magulang kung kaya hindi na nakapagtatakang maging panatag ang mga magulang sa tuwing papasok ang kanilang mga anak sa kanilang eskwelahan. Ngunit paano at gaano kasigurado ang mga magulang na buong araw nasa paaralan ang kanilang mga anak, lalo na’t hindi din naman lingid sa kaalaman ng nakararami ang pagliban sa klase.


Ayon na rin sa DO 86, s. 2010, o kilala din bilang “Prohibiting Students in Public and Private Elementary and Secondary Schools from Going to Computer Shops, Malls, Theaters, and the Likes During Their Class Hours,” ang batas na ito ay ipinanukala upang mas mapag-ingatan ang mga mag-aaral at makaiwas sila sa ipinagbabawal na pagkacutting classes. Maraming mga guro at mga taga-pamahala ng paaralan ang nagsusumikap na magawaan ng paaralan ang pagkacutting class na hindi kanais-nais na gawain ng mga kabataan.




Ang pampublikong paaralang ito sa Imus, Cavite ay mayroong high-tech na pamamaraan sa pagpasok at paglabas ng kanilang mga estudyante sa nasabing paaralan. Ayon sa ibinahaging post ng Pilipino Star, mayroong mga kuhang larawan ang mga estudyante ng Tanzang Luma V Elementary School na kasalukuyang gumagamit ng automated entrance security sa kanilang eskwelahan.

“No more cutting classes! Tanzang Luma V Elementary School in Imus, Cavite automates its school entrance security by implementing a system that sends a text message to the parents of the students whenever their kids enter and exit the school premises.” ito ang ilang bahagi sa nasabing post.



Sa nasabing high tech na pamamaraang ito, isu-swipe lamang ng mga bata ang kanilang mga ID at makakarating na sa kanilang mga magulang ang text message ng kanilang pagpasok at paglabas sa paaralan.




error: Content is protected !!