Vice Ganda nabuking na ang pinakatatago-tagong sikreto ni Kuya Escort Ion Perez!



Si Vice Ganda o kilala rin sa totoong buhay bilang si Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang komedyante sa Pilipinas. Siya ay dating hurado ng It’s Showtime na isang programa sa ABS-CBN, at nang kalaunan ay naging regular na host na din ito ng programa.


Sadyang maraming mga Pilipino ang natutuwa sa angkin niyang galing pagdating sa pagbibigay saya sa maraming mga tao. Ngunit kasabay ng kagalingan, kahusayan at marami pang mga proyekto at trabaho para da kaniya ay ang mangilan-ngilang pagsubok sa buhay na kaniyang pinagdaraanan kasabay na rin ng ilang pag-ibig na dumaan sa kaniya. At kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang pangalang Vice Ganda at Ion Perez sa diumano’y tunay na relasyon ng dalawa. Hindi maikakaila ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa. Tunay ngang tila walang makakahadlang sa kanilang dalawa kahit pa si Ate Girl Jackque.




Ngunit kasabay ng kahit ano pang karangyaan sa buhay ay ang mga kontrobersyang tila wala nang humpay ang katapusan, dahil sa diumano’y natuklasan na ni “Meme Vice” ang pinakatatago-tagong sikreto ni Kuya Escort Ion Perez. Kasalukuyang kumakalat sa social media ang diumano’y pag-amin ni Ion Perez na siya ay mayroon nang anak. Paliwanag niya na naging mapusok siya noon. Bagamat nasa kaniyang ina ang nasabing bata ay hindi ito naging hadlang upang maging responsable siyang ama dito.



Marami ang nagulat sa usap-usapang ito. At talaga namang ikinabigla ito ng mga tagahanga at tagasuporta ni Vice Ganda. Bagamat wala pang kompirmasyon mula sa magkabilang panig patungkol sa nasabing balita, marami pa ding mga tagahanga at tagasuporta ng komedyante ang naghahangad na maging maayos ang lahat at kahit papaano ay mabigyan sila ng kalinawan patungkol sa mga bagay na pinagdaraanan ng kanilang iniidolong artista. Dahil aminin man natin o hindi, nasasaktan din tayo kapag nasasaktan sila.


Ang pagluha nila ay kumukurot sa ating mga puso na nagiging dahilan din ng mismo nating pagluha.




error: Content is protected !!