Isang Magna Cum Laude na Crew ng McDonalds, nagbahagi ng kanyang tagumpay at nagpasalamat!



Lahat ng problema ay may solusyon kung may tiwala sa sariling kakayahan att walang kahirapan ang makakahadlang sa taong mataas ang pangarap sa buhay. Iyan ang pinatunayan ng isang babaeng nakapag-tapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagtrabaho niya bilang crew sa McDo. Ang nakaka-bilib pa ay nakapag-tapos siya ng may karangalan bilang Magna Cum Laude.


Siya si Cherry Toledo isang 20 na taong gulang na babae na galing sa hiwalay na pamilya. Nakaka-lungkot isipin na pinabayaan na siya ng kanyang magulang dahil ang kanyang ina ay may bago ng pamilya at kanyang ama naman ay nasa kulungan. Pero kahit na walang suporta sa pamilya ay napagtapos niya ang kanyang kolehiyo sa sarili niyang diskarte sa buhay.




Sa isang post sa Facebook, ibinahagi niya ang larawan na suot niya ang kanyang uniporme sa McDo bilang pasasalamat sa tulong na ibinigay ng kumpanya sa kanya upang makatapos siya ng pag-aaral.


Hindi naging biro ang pinag-daanan ng dalaga. Kinakailangan niyang pumasok sa eskwelahan at pagkatapos ng klase ay papasok naman siya ng gabi sa trabaho. Minsan pa nga ay inaabot siya ng madaling araw sa trabaho. Dito ka mabibilib dahil kahit na ganito kasikip ang oras ni Cherry, nakaka-gawa pa rin siya ng paraan upang makapag-aral at maka-kuha ng mataas na grado.



Ibinahagi din niya na sila ay pinalaki ng kanilang lola sa tatay kasama ang kanyang lalaking kapatid. Tinutulungan naman ng kanyang tiyahin sa gastusin ang lalaking kapatid kaso ito rin ay natigil dahil may sarili din itong pamilya.

Kaya naman diskarte ang pina-iral upang ang panagarap ay makamtan. Bilang isang Aboitiz scholar, siya nakapag-enrol bilang BS Psychology sa University of San Jose Recoletos. Pero hindi nasasapat ang scholarsbip na ito upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Buti na lang at siya ay nakapagtrabaho bilang service crew sa Mcdonalds.


Isa kang ihemplo para sa mga kabataang nagpupursigi upang makamit ang pangarap sa kabila ng kahirapan.






error: Content is protected !!