Kilalanin ang babaeng tinaguriang King Kong Barbie dahil sa kaniyang hitsura!



Mahalaga sa maraming mga indibidwal mapa-babae man o lalaki na maging presentable sa lahat ng pagkakataon. Ang tunay na kagandahan ay makikita sa mga taong nagbibigay halaga sa kanilang kalusugan at sa kanilang sarili. Tunay nga ang kasabihang kung hindi mo papahalagahan ang iyong sarili, paano mo magagawa na magpahalaga sa ibang tao o sa taong iyong minamahal?



Isang babae mula sa Tsina ang pumukaw sa social media dahil sa kakaibang hilig niya sa body building. Siya ay tinaguriang “King Kong Barbie” dahil sa mala-King Kong niyang pangangatawan na hango sa isang pelikula at ang kaniyang mukha ay tila isang manyika o Barbie kung kaya naman ito ang naging taguri sa kaniya. Ang 21-taong gulang na si Cheng Lu ay napamahal na sa body building mula nang nagandahan siya sa isang babae na kasali sa isang body building competition.


Dalawang beses sa isang araw siya nagla-live stream ng kaniyang nga exercise sessions na maaaring mapanuod sa iba’t-ibang social media platform sa Tsina. Mahigit 300,000 na ang kaniyang mga followers at sa loob ng tatlong buwan ay marami nang mga nakapanuod ng kaniyang mga video.


Ayon sa kaniyang kwento, niyaya siya ng kaniyang kaklaseng manuod ng isang local body building competition at dito na nga siya nagka-interes sa nasabing larangan. Ito ang naging dahilan kung kaya siya ay kumuha ng major course na Bodybuilding sa Shenyang Sports College.



Katulad rin naman ng ilang kababaihan, mahilig din siyang manamit ng mga magagandang kasuotan. Ngunit kadalasang nalilito ang kaniyang mga taga-suporta at tagahanga dahil sa laki ng kaniyang pangangatawan.

Hindi naging madali para sa kaniya ang pagkahilig niya sa bodybuilding dahil sa marami nanghuhusga sa kaniyang desisyon, ang iba nga ay nagsasabing hindi na siya makakapag-asawa pa. Ngunit sa kabila nito ay marami pa ring nanliligaw sa dalaga na kadalasan din niyang tinatanggihan. Sa kabila nito ay mayroon siyang malinaw na ideya kung anong katangian ng isang lalaki ang kaniyang nais sa hinaharap.



Noong nakaraang taon lamang tinanghal siya na fourth place sa Bodybuilding National Championship. Ito ay inorganisa ng China Body Building Association.




error: Content is protected !!