Kinatuwa ng marami ang pusa na ito nang makuhanan ng larawan habang nagdarasal sa simbahan!



Tayong mga Pilipino ay kilalang mapagmahal sa mga alaga nating hayop. Hindi maipagkakailang malaki ang pagpapahalaga natin sa buhay kung kaya naman kahit ang ating mga alagang hayop ay labis labis ang pagkalinga at pag-aaruga na ating ginagawa. Kadalasan pa ngang mas mahal ang kanilang mga gamit kaysa sa ating mga pangangailangan. Madalas din na sinasabay natin sila sa ating pagtulog o di kaya naman ay pinapasyal sa mga mall, sa beach at sa kung saan saan pang mga travel destination.


Ngunit aakalain nyo bang mayroon din hayop na nagdarasal? Kamakailan lamang ay hinangaan ito ng maraming mga netizen sa social media. Ibinahagi ng netizen na nakilala sa pangalang Austin Raphael Mateo sa Dog Lovers Philippines ang larawan ng isang pusa sa simbahan na tila nakatingala, nagdarasal, at nakikipag-usap sa Diyos. Labis na nagalak at natuwa ang netizen na ito dahil sa hindi niya akalaing makakakita siya ng isang pusa na tila nagdarasal sa isang simbahan.




Ito rin naman ay isang paalala sa maraming mga tao upang hindi makalimot sa Diyos. Kung ang isang pusa nga ay nagkaroon ng oras at panahon upang huminto sa isang simbahan, magmuni-muni at tumingala sa kalangitan na animo’y nagdarasal at nakikipag-usap sa Diyos, tayo pa kayang mga nilalang at nilikha nang naaayon sa wangis ng Diyos? Hindi ba’t mas mainam na siyasatin natin ang ating mga sarili at nang ating malaman ang estado ng ating relasyon sa Panginoong Diyos.


Marapat lamang na magpasalamat tayo para sa lahat ng mga bagay na ating tinatangkilik at natatamo sa araw-araw. Bukod sa napakaraming biyaya na ibinibigay sa atin ng Panginoon, ang mga pagsubok sa buhay na nagsisilbing lakas at katatagan ng bawat isa sa atin sa pagharap ng mga hamon sa buhay.


Sabi nga ng nakararami, huwag mong panghinayangan ang mga dasal na hindi sa iyo ibinigay ng Panginoon dahil sa napakarami niyang mga pagpapala, biyaya, at mga bagay na kahit hindi mo sa Kaniya hingiin ay ipinagkakaloob niya sa iyo agad agad.




error: Content is protected !!