Nadiskubre sa Zambales ang isang uri ng bacteria na kumakain ng plastik!



Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami sa atin ang labis labis na negatibong epekto ng mga plastik, kalat at basura sa ating mga kapaligiran lalo’t higit sa mga hayop sa dagat, sa himpapawid at sa lupa. Higit ding naapektuhan ang ating kapaligiran dahil sa mga polusyong dulot ng sandamakmak na kalat sa ating kapaligiran.


Ang ating bansang Pilipinas ay isa lamang sa mga bansa sa buong mundo na nagkakalat ng plastik sa kapaligiran. Unang una nang dahilan ang mga “single-used plastic” na nakasanayan at nakaugalian na natin gamitin. Sa katunayan nga ay ikatlo ang ating bansa sa pinakamaraming plastik na ikinakalat. Nasa unang pwesto sa listahan ang Tsina at ikalawa naman ang Indonesia.  Dahil sa lumalalang problema na ito sa ating bansa ay ikinagalak ng marami ang natuklasan ng mga mananaliksik sa lugar ng Zambales.



Ayon na rin sa ulat ng Philstar, mayroong mga microorganisms na natagpuan sa isang bukal sa Zambales na diumano’y kumakain ng mga plastik! Ito ay nagbigay daan para sa iba pang pamamaraan sa paglutas at pagbibigay solusyon sa lumalalang problema natin sa plastic p0lluti0n.


Nadiskubre ng mga mananaliksik mula sa Biology Department ng University of the Philippines-Baguio City ang apat na strain ng bacteria na mayroong kakayahang makatunaw ng “Low-Density Polyethylene” o LDPE na kadalasang ginagamit sa mga plastik bag, cling wrap, botelya ng mga shampoo, at iba pang uri ng lalagyan.


Sina Denisse Yans dela Torre, Lee delos Santos, Mari Louise Reyes at Ronan Baculi ay nagsagawa ng isang pag-aaral kung saan natuklasan nila na apat sa siyam na strains ng bacteria na nakuha nila sa bukal ng Poong Bato sa Botolan, Zambales ay kayang lumusaw ng mga LDPE na hindi naman basta-basta nalulusaw.

Ang mga plastik na nilagyan ng mga nasabing bacteria sa loob ng 90 days ay nabawasan ng timbang. Matapos namang kumain ng mga plastik ng mga bacteria na ito ay naglalabas sila ng mga by-products na environment-friendly ayon na rin sa kanilang pag-aaral.



“The results showed that selected microorganisms exhibited great potential for LDPE biodegradation, a discovery which can be used in reducing solid waste currently accumulating in natural environments.”




error: Content is protected !!