Pia Wurtzbach interesado sa pagganap bilang “Wave” na pinaka-bagong Marvel Superhero



Namayagpag sa takilya ang pinaka-unang Marvel Movie na babae ang pinaka-bida. Ito ang “Captain Marvel” na si Brie Larson ang gumanap. Marami ang namangha sa galing ni Brie Larson sa pagganap niya sa napaka-lakas na Superhero na ito.



Isa na namang bagong babaeng Marvel Superhero ang maaring makita natin. Isang Pinay Superhero ang idadagdag sa Marvel Comics. Noong March 9, ibinunyag sa Twitter ng comic book writer at filmaker na si Greg Pak ang paglabas ni “Wave” sa Marvel Comics. Si “Wave” ay disenyo at kasamang ginawa ng isang pinay na comic book artist na si Leinil Francia Yu. Ang superhero na si “Wave” ay isang morenang babae na may berde at gintong costume. Mapapnsin ang mga sandata niya ay “water tech” at maaaring kapangyarihan niya ay tubig.


Naging una sa listahan ng nais sana ni Leinil na gumanap na “Wave” ay si Angel Locsin. Ito ang sinagot ni Leinil sa sa tweet ni Angel Locsin:

“It’s a collaboration of ideas between me, Greg and Marvel editorial. Would love to see you as Wave, Angel!,”



Pero tinanggihan ito ni Angel Locsin at buong galang na nireply ito:
“Tapos na ko sa superhero roles hehehe but kilig na nag-reply ang creator.”



Kaya naman lumitaw ulit ang isang babaeng “swak” sa pagganap dito. Ito ay si Pia Wurtzbach na maaaring maging unang pinay na Marvel Superhero.

Ayon sa interview niya sa ABS-CBN, ito ang sinabi niya sa pag-alok ng role na ito:
“Definitely! If there’s gonna be an audition for it, I’m gonna try for that. Why not, ‘di ba?”

Maaalalang siya ang nag-interview kay Brie Larson ng ipalabas ang Captain Marvel sa bansa. Pangarap din ni Pia ang mapabilang sa mga Hollywood na aktres. Ito ang naging pahayag ni Pia:
“Well, that dream is still there, I’m still trying to pursue my dream. I know that I still have a long way to go. Definitely have to gain more experience here in the Phlippines before I can try abroad,”


Kaya abangan natin ang superhero na ito na maaring pagbidahan ng isa sa ating mga aktres sa sikat na comic series na “Wàr of the Realms: New Agents of Atlas”.




error: Content is protected !!