Humanga ang marami sa throwback photos na ito ni Ian Veneracion na talaga namang parang hindi tumatanda kahit ilang taon na ang lumipas!



Sa industriya ng show business maraming mga aktor at aktres na nakikilala at sumisikat dahil sa angkin nilang kagandahan, kagwapuhan, at talento. Marahil isa na rito ang hinahangaan ng lahat na is Ian Veneracion na kilala din bilang si Stephen Ian Veneracion na nagsimula sa show business noong 1982 nang siya ay napabilang sa Joey and Son na palabas noon sa RPN 9. Taong 1986 naman nang siya ay naging bahagi ng “That’s Entertainment” sa pangunguna ni Kuya Germs o German Moreno.



Ilan sa mga pelikulang kaniyang kinabilangan ay “Alyas Baby Face”, “Boy Praning”, “Halik ng Bampira”, samantalang ilan sa mga programa niya sa telebisyon ay ang “Ikaw Lang Ang Mamahalin” at “Joaquin Bordado” at “Totoy Bato” na parehong pinagbidahan ni Robin Padilla.


Taong 2011 nang siya ay lumipat sa ABS-CBN. Dito ay mas nakilala at napamalas niya ang kaniyang husay at galing sa pag-arte dahil sa ilang mga programang kaniyang nagawa tulad na lamang ng “Kailangan Ko’y Ikaw”, “Got To Believe”, “Pangako Sa’Yo” kung saan siya ay gumanap bilang “Eduardo Buenavista”. Sina Bea Alonzo at Iza Calzado naman ang kaniyang nakasama sa teleseryeng “A Love To Last”. Kabilang din siya sa rom-com movie na “The Achy Breaky Hearts” kasama ang mga artistang sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.


Maraming mga netizen ang napanganga sa kaniyang mga larawan noong kaniyang kabataan na naging usap-usapan sa social media, ilan sa mga komento ng mga netizen na ito ay ang mga sumusunod:



“Lugi tayo sa taong ito… Eh ni hindi man lang ‘to nakatikim pumangit eh… hehe.”

“Super guwapo at mukhang tahimik pa!”

“Ang crush ko noon hanggang ngayon…”

“Nasa kanya na ang lahat… gwapo, mabait, at talented.”



“Habang tumatanda, lalong gumugwapo.”

Tunay ngang mahabang panahon man ang lumipas ay hindi pa rin matatawaran ang galing at husay ng aktor na ito sa kaniyang larangan. Bukod dito ay lubos ding hinangaan ang galing niya sa pagpapatugtog ng gitara, at iba pang mga instrumento.

Source:  Facebook, Definitelyfilipino




error: Content is protected !!