Nagkakilala sila nang dahil sa isang online mobile game, sila ngayon ay kasal na at magsisimula nang bumuo ng sarili nilang pamilya!



Bawat tao ay mayroong kani-kaniyang kwento patungkol sa kanilang mga pagsubok na dinaranas sa buhay o di kaya naman ay patungkol sa kanilang buhay pag-ibig. Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang kwentong ito ng dalawang magkaibang indibidwal na unang nagkakilala sa isang sikat na online mobile game.


Si Jerome dela Cruz Sr. ay nagbahagi ng kanilang larawan ng kaniyang misis noong Marso 28, 2019 na araw ng kanilang kasal kasabay na rin ng kanilang kwentong pag-ibig. Ayon kay Jerome, nakilala niya noon ang kaniyang asawa sa sikat na larong “Mobile Legends”. Siya ay sumali sa isang online group kung saan ang kaniyang magiging misis pala na si Anne Ozaeta-dela Cruz ay miyembro din.




Habang sila ay nakausot ng pula nilang damit sa kanilang kasal ay buong pagmamalaki din nilang ipinakita ang kanilang mga cellphone at ang online mobile game application na naging dahilan ng kanilang pagtatagpo.


Maraming mga netizen nga ang namangha at natuwa sa hindi pangkaraniwan nilang love story, ngunit ganoon pa man ay talaga namang bakas sa kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan at pagmamahal sa isa’t-isa. Kung sa ibang tao, ang mga ganitong uri ng laro ay adiksyon lamang, panira sa pag-aaral, at pampalipas oras, para naman sa mag-asawang ito tiyak na ikagagalak nilang ikwento sa kanilang mga magiging anak ang simula ng kanilang pagmamahalan.


Tunay ngang hindi na mahalaga kung saan mo nakilala o unang natagpuan ang iyong sinisinta ang mahalaga ay ang inyong pagmamahal at pagsuporta sa isa’t-isa at kung gaano kayo kahandang bumuo ng isang pamilya nang magkasama ano mang mga pagsubok ang dumaan o maging hadlang sa sa inyong pagsasama.


Hindi mo nga talaga masasabi kung kailan at saan mo matatagpuan ang tunay na pag-ibig na kukumpleto sa iyong pagkatao at magiging dahilan upang mas maging masaya at kapana-panabik ang iyong buhay bilang isang indibidwal.





error: Content is protected !!