Nakaka-bilib si Lolo na naglalaro ng ‘Pokemon Go’ na naka-sakay sa bisikletang may maraming cellphone nakakabit



‘Gotta Cathe’ Em All’ nga kumbaga para sa mga taong nahilig sa laro sa cellphone na Pokemon Go. Ito ang larong nauso ng taong 2016 na kinahiligan hindi lamang ng mga bata pati na rin ng mga matatanda.


Noong July 2016 ay nilabas ng Niantic ang larong ito sa Android at iOS na mga devices. Sa larong ito kinakailangan mong manghuli ng maraming pokemon sa pamamagitan ng pagbato ng pokeball. Kinakailangan mo ding maglakad ng malayo upang maka-kita pa ng iba pang mahuhuli. Ang mga nahuhuling pokemon ay maaaring mag-evolve at maging malakas. At kung gugustuhin din ay maaring ilaban ito sa mga pokemon gymn para kilalaning malakas na pokemon trainer ng lugar.




Sabi pa nga sa kanta na theme song ng Pokemon “I want to be the very best, Like no one ever was.” marahil ito na siguro ang nasa isipan ni Lolo na talagang nakilala sa paglalaro niya ng Pokemon Go.


Simula pa ng unang inalabas ang Pokemon Go ay naglalaro na si Chen San-yuan na may 45 na milyong Pokemon ng nakokolekta. Itong 70 na taong gulang na matanda ay nakilala sa social media dahil sa sobrang pagkahilig niya sa larong ito. Siya ay madalas mapapansin na nakasakay sa kanyang biskleta at may mga nakakabit na 22 na cellphones panlaro ng Pokemon Go at mayroon pang dalawang cellphone sa bulsa.


Nagumpisang maglaro si Lolo Chen sa paggamit ng 3 cellphone lang sa paglalaro at hindi rin nagtagal ay nadagdag pa ito at umabot ng 15 na cellphones. Nang pinalitan niya ang kanyang bike na kabitan ng cellphones, naging 22 na cellphones na ang nakaka-kabit sa bike at dalawa naman ang reserba sa bulsa.


“Before keeping the mobiles on his bike, he could be seen in the parks with several mobiles on a tray. He had a great idea of taking the bike, because now he can move wherever the Pokemons appear,” ito ang sinabi ni Wang na kapit bahay ni Chen.





error: Content is protected !!