Pinagpalit ng isang OFW ang kanyang asawa sa isang boyfriend na Pakistani sa Oman



Sadyang mahirap kumita ng pera sa ating bansa kaya marami sa ating mga kababayan ang minamabuting magtrabaho sa ibang bansa o maging isang OFW. Sa kagustuhang maka-ahon sa hirap, nagtitiis, at nagsisipag ang marami sa ating mga OFWs nating kababayan. Ito ay para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.



Para sa mga may asawang OFW, isa rin itong pagsubok upang masukat kung gaano katatag ang kanilang pagmamahalan. Dahil sa malayo ang isa’t-isa hindi maiiwasang matukso ang ilan sa mga bago nilang makikilala. Lalong-lalo na sa mga OFWs na pinay na maaring magustuhan ng mga ibang lahi.

Katulad na lamang ng pagsumbong kay Raffy Tulfo ng isang taga-Cauayan Isabela patungkol sa pangangaliwa ng kanyang asawa. Si Jay-Ar Espiritu ay dumulog sa tanggapan ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong ukol sa pangangaliwa ng kanyang asawa sa Oman.




Dala ang mga ibidensyang litrato ng asawa na may karelasyong mayamang Pakistani sa Oman, sinabi ng kawawang mister ang sakit na nararamdaman niya pati ang problemang dulot nito sa pamilya at anak.

Sa pagkakataong ito ay tinawagan ni Raffy Tulfo si Misis. Sa kanilang paguusap ay tinanggihan agad ito at sinabing hindi totoo. Ngunit giniit ni Raffy Tulfo na may ibidensya na kasama niya ang kalaguyong Pakistani at may mga matatamis pang mga mensahe ang misis na ito sa kalaguyo. Sinagot naman ito ng misis na matagal nang nangyari iyon. Sinabi rin ni Raffy Tulfo na gusto ba niyang ma-deport at sinabi naman ng misis na tatapusin sana ang kontrata dahil wala pa daw ipon.

Naiiyak ang mister kausap ang asawa, sinabi pa nito na binenta pa niya ang kanyang motor sa halagang 6000 pesos upang makapunta lamang kay Raffy Tulfo. Kasama din ni Jay-Ar ang kanyang anak na umiiyak din nagsabing umuwi na ang ina upang mabuo ulit ang kanilang pamilya.

Pagkatapos ang paguusap sa misis, dalawang linggo ang nakalipas ay umuwi din ang misis dahil sa pagka-takot sa deportation. Ngunit hindi ito umuwi sa pamilya at nanatili sa hotel.


Matigas na tinanggi muli ng misis ang pakikipag relasyon niya sa Pakistani at hindi na rin bumalik sa piling ng kanyang asawa.




error: Content is protected !!